^

Punto Mo

Luhang synthetic

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

BAKIT ka umiiyak kapag may pumapanaw? Ang standard answer ay siyempre mahal mo ‘yung namatay. So, kung bibigyan ng pangalan ang luhang pumapatak sa mata ng namatayan, ito ay magiging “luha ng pagmamahal”.

Pero ano ang tawag ‘dun sa luha ng misis na nangaliwa pero nang namatay  ang asawa ay kuntodo ang flow ng tears sa kanyang sad na sad na face?

Ano rin ang tawag sa luha ng anak na walang tigil ang flow ng tears habang nakatitig sa mukha ng kanyang ama na nakahimlay sa kabaong? Pero noong buhay pa at maysakit na ay hindi man lang inalagaan kahit isang araw lang.

Ano rin ang tawag sa luha ng misis at mga anak na pagkatapos pumalahaw nang iyak    habang inililibing ang ama ng tahanan ay hindi na dinalaw kailanman ang puntod nito?

Ano naman ang tawag sa luha ng in-laws na super “emote” habang binebendisyunan ng pari ang bangkay ng kanilang brother-in-law? Noong nabubuhay pa ang tinutukoy kong namatay ay walang pakialam ang mga in-laws niya kahit pa ano ang mangyari sa kanya — magkasakit man siya o manigas sa gutom. Dinding lang na lawanit ang pagitan ng bahay nila.

May mapang-insulto pa silang tawag sa brother-in-law — “tisiko” — dahil sa payat nitong pangangatawan na parang nagkasakit ng tuberculosis pero hindi naman. Sadyang payatin lang ang pangangatawan nito

Kung papangalanan ang luha ng misis na nagtaksil; luha ng anak na nagpabaya sa kanyang ama; luha ng mag-iinang pumapalahaw nang iyak habang ibinababa sa hukay ang kabaong ng ama ng tahanan at luha ng mga walang pakialam na in-laws, ito ay tatawagin kong “synthetic or tupperware tears”.

“Don’t trust everything you see. Even salt looks like sugar.” – Anonymous 

vuukle comment

SYNTHETIC

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with