^

Punto Mo

Babae sa Florida na manganganak na, nagpumilit bumoto bago itakbo sa ospital

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG babae sa Florida na manganganak na ang nagpumilit sa kanyang asawa na idaan siya sa voting center upang makaboto muna.

Inaasikaso ng election officer na si Karen Briceno Gonzales ang mga balota sa isang voting precinct ng Orange County, Florida nang may isang lalaking dumating na dala-dala ang driver’s license ng kanyang asawa.

Akala ni Gonzales ay hihiling lang ang lalaki ng balota para sa kanyang asawa kaya nagulat siya ng sabihin nito na nasa labas ng presinto ang kanyang manganganak nang asawa at gusto na nitong maka­boto bago sila pumunta sa ospital.

Napilitan tuloy lumabas si Gonzales  at bigyan ng balota ang asawa ng lalaki. Binantayan niya ang babae, na medyo hinihingal pa raw habang sinasagutan ang balota, tanda ng nagbabadya nitong pagluwal sa bata.

Pagkahulog ng balota ay agad nang umalis ang mag-asawa, na parehong masaya dahil nakaboto ang babae bago ang kanyang panganganak.

Para sa kanyang determinasyon na makaboto ay plano ng mga election officials sa lugar na padalhan ang babae at ang bagong silang na anak nito ng mga regalo.

 

vuukle comment

FLORIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with