^

Punto Mo

Babae sa California, may alagang 1,000 pusa sa bahay

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG bata pa si Lynea Lattaanzo ng Parlier, California, gustung-gusto niyang magkaroon nang maraming alagang pusa. Subalit ayaw ng kanyang ina dahil kung saan-saan lang ito umiihi at dumudumi.

Ngayong matanda na siya at nang diborsiyada, natupad ang kanyang pangarap. Mayroon siyang alagang 1,000 pusa sa kanyang bahay na nasa 12 ektaryang lupain. Mayroon siyang cat sanctuary.

Kuntento na siya sa buhay na ang kasama sa bahay ay mga pusa.

Nagsimula siyang mag-alaga ng pusa noong 1981 makaraang makipagdiborsiyo. Pawang na-rescue ang kanyang mga alagang pusa. Pagkatapos niyang kupkupin, mayroon din namang nag-aampon sa mga ito.
Ang kanyang misyon ay maisaayos ang kalagayan ng mga pusa. Gusto niya ang kukupkop sa mga ito ay mamahalin sila at aala­gaan.

Bukod sa kanyang 1,000 pusa, mayroon din siyang 15 aso.

PUSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with