^

Punto Mo

Puting giraffe, natagpuan sa Tanzania

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG pambihirang giraffe ang namataan sa isang national park sa Tanzania.

Pinangalanan ang giraffe na Omo mula sa isang sikat na brand ng pampaputi ng damit sa Africa dahil sa pambihira nitong kulay. Sa halip kasi na kulay brown na karaniwan na para sa mga giraffe ay kulay puti ang balat ni Omo.

Pambihira para sa mga giraffe ang magkaroon ng kulay puting balat dahil resulta lamang ito ng isang kakaibang kondisyon na kung tawagin ay leucism. Hindi nagkakaroon ng melanin ang mga giraffe na may leucism kaya hindi nagkakaroon ng natural na kulay ang kanilang mga balat.

Unang namataan si Omo ng ecologist na si Dr. Derek Lee noong ito ay maliit o calve pa lamang. Ngayong nakita niya ulit ito ay malaki na si Omo kaya mas maliit na ang panganib na malapa ito ng mga mababangis na hayop na katulad ng mga leon at hyena. Tinanggap din siya ng kanyang mga kapwa giraffe kahit kakaiba ang kanyang itsura.

Ang pinangangambahan ngayon ni Dr. Lee ay ang mga mangangaso na maaring magkainteres sa paghuli o pagpatay kay Omo dahil sa kanyang kakaibang kulay.

Kaya naman umaasa si Dr. Lee na mabibigyan ng pansin ang lumiliit na rami ng mga giraffe sa kagubatan. Nakatira siya at ang kanyang asawa sa Tarangire National Park kung saan matatagpuan si Omo at pinag-aaralan nila ang mga giraffe doon upang mas lalong maunawaan ng mga tao ang buhay ng mga giraffe at nang mapigilan ang kanilang unti-unting pagkaubos.

TANZANIA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with