^

Punto Mo

Madre na may Parkinson’s disease nagdasal kay Pope John Paul II, biglang gumaling!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NOONG Abril 2014 naging ganap na Santo si Pope John Paul II, siyam na taon makaraang mamatay noong Abril 2005. Pero bago siya naging santo, may nangya­ring himala sa isang madre sa France na itinuturing niyang kaloob sa kanya ng nama­yapang santo papa. Pinagaling siya ng Santo Papa sa sakit niyang Parkinson’s disease.

Hindi maipaliwanag ni Sister Marie Simon-Pierre ng Aix-en Provence, France ang naramdamang sigla ng katawan ng umagang iyon ng Hunyo 3, 2005. Magaan na magaan ang pakiramdam niya. Pakiramdam niya, isa siyang bagong silang na sanggol. Hindi siya dating ganoon sapagkat siya ay may Parkinson’s Disease.

Agad nagpakunsulta ang madre sa doctor at hindi siya makapaniwala nang sabihin ng mga doctor na wala na siyang sakit. Hindi maipaliwanag ng mga doctor ang dahilan ng big­lang pagkawala ng Parkinson’s disease ng madre.

Ganoon na lamang ang pasasalamat ni Sister Marie kay Pope John Paul II sapagkat dito siya nanalangin na sana ay pagalingin na siya sa kanyang sakit, Mataimtim ang kanyang pananalangin sa Papa na pagagalingin siya nito. At ang kanyang kahilingan ay nangyari.

Sabi ng Vatican, ang miraculous intercession ni Pope John Paul II ang nagpaga­ling sa madre.

Ang pagpapagaling na iyon sa madre ay isa sa mga naging hakbang para sa beatification ng namayapang Papa noong Mayo 1 2011 at naging ganap na santo noong Abril 27, 2014. Ang kapistahan niya ay ipinag­di­riwang tuwing Oktubre 22.

 

vuukle comment

POPE JOHN PAUL II

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with