^

Punto Mo

Hindi ako susuko (17)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“ANONG kurso ang balak mong kunin sa kolehiyo, Reagan?’’ tanong ni Sir Abe.

“Fine Arts po.’’

Napatangu-tango si Sir Abe.

Maya-maya ay nagpaalam na ito kay Reagan.

“Sige Reagan. Sa Linggo ba makakaya mong matapos ang ipinagagawa ko?’’

“Opo. Sa Linggo po magkita tayo rito.’’

“Good. Sige.’’

Umalis na si Sir Abe.

Hinabol ito ng tingin ni Reagan.

Bago umuwi, pumasok muli sa simbahan si Reagan at nagpasalamat sa Diyos. Humingi siya ng patnubay sa mga gagawin niya.

Nakaabang na ang tatay ni Reagan nang dumating siya sa bahay. Excited ang kanyang tatay.

“Anong nangyari Reagan? Nagustuhan ba ang ginawa mong portrait?’’

“Opo Tatay. Binayaran nga po ako ng P1,000.’’

“Aba ang laki!’’

“Oo nga po. Ayaw ko nga pong tanggapin dahil sobrang laki pero pinagpilitan po.’’

“Masyadong natuwa siguro dahil sa ganda ng drowing mo.’’

“Opo.’’

“Pagbutihin mo pa Reagan.’’

“Opo Tatay.’’

Inumpisahan agad ni Reagan ang bagong trabaho.

Ang sabaw naman ng kapeng bigas ang gagamitin niya sa gagawing portrait. Pagbubutihin pa niya. (Itutuloy)

 

REAGAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with