^

Punto Mo

Hindi ako susuko (7)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAKAPAGPALAKAS ng loob ni Reagan ang mga sinabi ng kanyang mga magulang na itago ang mga perang kikitain sa pagdudrowing para magamit na pang-tuition. Sabi pa ng kanyang tatay, pipilitin nitong may maibentang mais at pakwan para may maidag­dag sa pang-tuition. Pero sinabi ni Reagan na kaya na niyang makaipon ng pang-tuition bago dumating ang enrolment sa kolehiyo.

“Kaya ko nang mag-ipon, Tatay, Nanay,” sabi ni Reagan. “Marami pa po akong naiisip na idudrowing.’’

“Sige pagbutihan mo pa, Reagan,” sabi ng kanyang tatay. “Bukas ay huwag ka nang magtungo sa bukid para pastulin ang ating kalabaw. Harapin mo ang mga dapat idrowing para makarami ka. Diyan ka na sa balkon gumawa para presko ang hangin.’’

“Salamat Tatay. Marami nga po akong gagawin bukas. Dapat bago mag-Sabado ay nakatapos na ako ng sampung illustrations para maibenta ko sa Linggo ng umaga.’’

“Ano ba ang susunod mong idudrowing?’’

“Mga Pope po. Lahat po ng Pope.’’

“Aba maganda yan.’’

“Tapos po mga lumang simbahan.’’

‘‘Meron kang tutularan?’’

‘‘Wala po.’’

‘‘Paano mo magagawa yun?’’

‘‘Sa imahinasyon ko lang po.’’

Napangiti ang tatay ni Reagan. Bilib na bilib sa anak.

Kinabukasan, sinimulan na ni Reagan ang pagdu-drowing ng mga Santo Papa.

Pawang sa imahinasyon niya siya nakasandal. Natatandaan niya ang mga mukha ng mga Santo Papa dahil noong nasa high school pa siya madalas siya sa library at nagbubuklat ng mga libro ukol sa mga Papa.

Malinaw na malinaw sa kanyang isipan ang mga mukha ng Pope. Pinakapaborito niya si Pope John Paul II. Madaling iguhit ang mukha ng Papa na isa na ring Santo.

Tamang-tama ang ihip ng hangin sa balkonahe kaya Ganado siya sa pagdodrowing.

(Itutuloy)

 

TUITION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with