Pusa na binili online, tigre pala!
ISANG pusa na binili online ng isang mag-asawa sa France sa kagustuhang magkaroon ng alaga ang nagulat nang isang baby na tigre ang kanilang matanggap.
Ayon sa French prosecutors, taon 2018 nang nakakita ang mag-asawa ng isang ad online na nag-aalok ng kuting na Savannah cat na isang uri ng exotic na pusa.
Nagbayad ng $7,000 (katumbas ng P350,000) ang mag-asawa at natanggap naman nila ang exotoc na pusa na kanilang binili.
Ngunit isang linggo pa lang ang nakakalipas ay naghinala na kaagad ang mag-asawa na hindi isang pusa kundi isang tiger cub ang kanilang nabili.
Tama nga ang kanilang hinala dahil matapos nilang ipag-alam sa mga awtoridad ang nangyari at i-turn over ang kanilang biniling alaga ay napag-alaman nilang isa pala itong Sumatran tiger na isang endanger specie mula Indonesia.
Iniimbestigahan na ngayon ng mga kinauukulan ang pangyayari at nasa siyam na katao na ang naaresto para sa salang animal trafficking.
Hinuli rin ang mag-asawang bumili sa pusa ngunit kalauna’y pinalaya rin sila.
Nasa pangangalaga na ngayon ng French Biodiversity Office ang tiger cub.
- Latest