^

Punto Mo

Hindi makapaniwala ang mga kritiko sa Pulse survey

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

Believe it or not. Ang mga kritiko ng administrasyon sa kasalukuyan ay parang sinampal at sinapak sa sentido.

Kanya-kanya na silang paliwanag at analisa pero iisa ang tinutumbok ng kanilang mga ngawa. Hindi sila makapaniwala.

Nagulantang sa lumabas na ratings ni Pres. Rodrigo Duterte sa ginawang survey ng Pulse Asia. Sa gitna ba naman kasi ng pandemya, sumikad sa 91% ang approval at trust rating.

Sa gitna ng pandemya,  mas mataas kaysa noong Disyembre 2019.

Sinasabi ng mga kritiko ng gobyerno, wala yan!

Kaya lang tumaas ang ratings dahil sinuhulan ang taumbayan sa pamamagitan ng Social Amelioration Program (SAP).

Subalit, sa totoong buhay, kung pangangasiwa umano sa krisis ng COVID-19 ang pag-uusapan ay bagsak naman talaga.

C’mon, give me a break! Ayaw lang talagang maniwala at tanggapin ng mga kritikong ito.

Ang lagay eh, parang iniinsulto ang pag-iisip ng mga nasa ibaba na naging sakop ng survey na ito.

Nilalait ang estado ng kaisipan ng mga Pilipinong nasa Class D at Class E.  Eto raw kasi yung madaling suhulan.

Eto raw yung lebel ng mga Pinoy na hindi na iniisip ang klase ng pangangasiwa ng pamahalaan basta ang importante ay may panuhol.

Bakit ba raw kasi sa Class D at E ginawa ang survey?

Kung gagawin daw ang survey na ito sa mayayamang nasa Class A, B ay siguradong babagsak daw ang resulta ng Presidente.

Kita mo nga naman ang estado ng kaisipan ng mga kritikong ito, hala bira! Eh kaso, ang pikon ay talo!

Kasi naman, dapat magbago na sila ng estratehiya’t taktika! Aba’y right in their face, ipinakitang sila ang bagsak. Lalo tuloy napapahiya.

Kung wala na kasing maipapakitang ibang alternatibo, magtrabaho na lang. Bawasan ang ngawa at pagpapapansin.

Habang nagpapapansin kasi, lalo naman kayong binabasura.  End of story! 

PULSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with