^

Punto Mo

Mapagbirong tadhana

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

MAY isang ama na nakiusong mag-Saudi noong 80’s. Gusto kasi niyang umasenso ang buhay. Pangarap niyang makaahon sa kahirapan at mapag-aral sa kolehiyo ang mga anak. High school graduate siya pero magaling siyang mekaniko ng sasakyan. Tamang-tama na pang-abroad ang talent niya. Iniwan niya ang kanyang mag-iina sa probinsiya. Kaya lang, nakakaisang taon lang siya sa Saudi, susme, nagsumbong ang kanyang panganay na nahuli niyang nanlalaki ang ina. Tuluyan nang nakisama ang kanyang asawa sa kabit nito. Ang kanyang mga anak ay kinupkop ng kanyang mga magulang.

Ipinagpatuloy niya ang buhay sa Saudi. Nakipag-penpal siya sa mga babaing inirerekomenda ng kanyang mga kasamang OFW. Nakakuha muli siya ng bagong asawa. Sa Maynila sila tumira ng kanyang bagong pamilya. Pinadadalhan na lang niya ng sustento ang mga anak sa probinsiya. Dumaan ang maraming taon, nabiyudo siya sa kanyang orig at ikalawang misis. Isang araw ay sumampal na lang sa kanyang mukha ang katotohanang, ang pagpapakahirap niya sa Saudi ay walang ibinunga – walang nakatapos sa pag-aaral sa kanyang mga anak. Ang pinakamasakit, naging pokpok pa ang isa.

Ngayon, matanda na siya. Wala siyang napala sa pagsa-Saudi. Sa sobrang gastadora ng kan­yang ikalawang asawa, hindi siya nakabili ng sariling bahay. May kanya-kanya nang pamilya ang kanyang mga anak. Nahihiya siyang pumisan sa mga anak dahil  mga padampot-dampot lang ng raket ang mga ito. Minsan, natagpuan niya ang sarili na nakasakay sa barko pauwi sa kanilang probinsiya. Sa bahay ng kanyang ina siya umuwi na 85 years old na. Ang mga anak niya sa orig ay hirap din ang buhay kaya malabong sa mga ito siya makituloy.

Isang araw ay may kotseng pumarada sa kanilang bahay. Bumaba ang isang lalaki. Pagka­tapos tanungin ang kanyang pangalan ay mahigpit itong yumakap sa kanya. Ang lalaki ay anak niya sa kanyang first girlfriend. Nagpakalayu-layo itong first girlfriend matapos malamang nagpakasal sila ng kanyang first wife na sa katotohanan ay pinikot lang naman siya. Nagsinungaling na buntis, hindi naman pala. Hindi na ipinaalam sa kanya ni First Girlfriend na nabuntis pala niya ito.

Palabiro at nangsosorpresa minsan  ang tadhana. Kung sino ang anak na hindi niya pinaghirapang buhayin ay siya ngayong nagbibigay sa kanya ng magarbong buhay. Nagbabakasyon siya ngayon sa Singapore kasama ang anak sa labas na hindi sinasadyang napabayaan niya nang matagal na panahon.

TADHANA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with