^

Punto Mo

Telepono ni Hitler, naibenta ng $243,000

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAIPAGBENTA sa isang auction sa United States ang sinasabing personal na telepono ni Hitler na kanyang ginamit noong kasagsagan ng World War 2.

Umabot sa $243,000 (katumbas ng P12.2 milyon) ang presyo ng telepono, na kulay pula at may nakaukit na swastika sa likod.

Natagpuan ang telepono ng mga sundalong Russian noong 1945 sa bunker na huling pinagtaguan ni Hitler noong papatapos na ang giyera.

Ibinigay nila ito bilang souvenir sa British na sunda­long si Sir Ralph Rayner na nagtago nito hanggang siya ay mamayapa noong 1977.

Napunta ang telepono sa kanyang anak na si Ranulf Rayner na ngayo’y 82-anyos na.

Umasa si Ranulf na makakakuha ng mas mataas na pres­yo sa subastahan ang telepono ngunit masaya na rin siyang naipagbenta na niya sa wakas ang teleponong minana niya sa kanyang ama.

Lagi kasi niyang ikinakatakot na mananakaw ito at marami rin ang nagsasabing magdadala ito ng malas sa kanya dahil sa malagim na koneksyon nito kay Hitler.

Itinuturing kasing pinakamapinsalang gamit sa buong kasaysayan ng daigdig ang telepono dahil sa pamamagitan nito ay naipahatid ni Hitler ang kanyang mga utos na naging sanhi ng kamatayan ng milyun-milyong katao.

WORLD WAR 2

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with