^

Punto Mo

Faith and healing

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 1988, ang cardiologist na si Randolph Byrd ng San Francisco General Hospital, California USA ay nagsagawa ng experiment para patunayan kung gaano ba kaepektibo ang dasal sa pagpapagaling ng maysakit. Nag-recruit ang mga doktor ng 393 pasyente na may sakit sa puso. Hinati sila sa dalawang grupo, A at B.

Pagkatapos ay nag-recruit muli ang mga doktor ng grupong magdarasal para sa mga pasyente. Ito ay kinabibilangan ng mga Roman Catholics at Protestants. Ang group A ay grupo ng ipagdarasal at B ay hindi ipagdarasal. Lima hanggang pitong tao ang magdarasal kada isang pasyente.

Ang group A at B ay aalagaan at gagamutin sa iisang paraan. Ang mga pangalan at medical records ng pasyente mula sa group A ay ibinigay sa mga magdarasal. Kailangan nilang ipagdasal araw-araw ang mga pangalang naka-assign sa kanila.

Maliban sa doktor na nagsagawa ng pag-aaral, walang nakaaalam sa mga pasyente, doktor at nurses kung anong grupo ang ipinagdarasal o hindi ipinagdarasal. Walang alam ang mga pasyente tungkol sa nature ng experiment para maiwasan ang placebo effect.

Kapag pala may sakit sa puso, kadalasan ay lumulutang ang iba pang sakit at kung anu-anong kumplikasyon. Maliit na bilang ang nakaranas ng kumplikasyon sa Group A kumpara sa Group B. At ang pinaka-interesting revelation — kakaunti ang namatay sa group A.

Sa panahon ngayon ng pandemya, number one ang panalangin upang hindi kapitan ng mabagsik na virus kasama na ang dobleng pag-iingat sa mga sarili.

“Hope is praying for rain, but faith is bringing an umbrella.” – unknown

 

SAN FRANCISCO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with