^

Punto Mo

Maari bang paalisin ang nangungupahan kahit hindi pa tapos ang kontrata?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Pinaaalis na ako ng landlord sa condominium unit na aking inuupahan. Gagamitin na raw kasi ito ng kanyang anak. Binigyan niya lang ako ng isang buwan upang ako ay makahanap ng lilipatan. Maari po ba ito kahit may ilang buwan pang natitira sa lease contract namin?—Red

Dear Red,

Nakasaad sa Republic Act No. 9653 o Rent Control Act na maaring paalisin ang nangungupahan kung kakailanganin nang gamitin ng landlord ang residential unit na kanyang pinauupahan ngunit nakasaad din sa nasabing batas na bago mapaalis ang lessee ay kailangan muna siyang bigyan ng pormal o nakasulat na notice tatlong buwan bago siya paalisin. Kailangan din na hindi niya pauupahan ang residential unit sa loob ng isang taon.

Bagama’t hindi ka naman maaring kaladkarin ng iyong landlord kahit pa nangungupahan ka lang dahil maari siyang maharap sa kasong kriminal ay hindi rin naman mainam kung ikaw ay magmamatigas at ipagpipilitan mo na tapusin ang iyong kontrata lalo na’t nakasaad naman sa batas ang dahilang ibinibigay niya sa pagpapaalis sa iyo.

Ang pinakamagandang gawin ay pakiusapan mo na lang ang may-ari ng unit na bigyan ka pa ng dagdag na panahon upang ikaw ay makahanap ng malilipatan lalo na’t tatlong buwan naman ang ibinibigay ng batas para sa mga nasa sitwasyon mo.

KONTRATA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with