^

Punto Mo

Isang tasang kape

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NOONG 2007, tuwing Huwebes, sakay ng kanilang magarang Pontiac, sinasamahan ni Dan Dewey, 65,  ang kanyang amang si Edgar, 86, sa St. Joseph Mercy Oakland Hospital upang magpa-chemotheraphy treatment.

Minsan habang nasa cancer unit ang mag-ama ay nakursunadahang magkape ni Edgar. Inutusan nito ang anak na ibili siya ng kape sa malapit ng coffee shop. Pero bago umalis ang anak ay tinanong ni Edgar isa-isa ang lahat ng kapwa niya cancer patients na nasa kuwarto kung gusto rin nila ng kape.

Iyon ang simula nang paglilibre ni Edgar ng kape tuwing Huwebes, 10:00 ng umaga sa lahat ng nakakasabay niyang pasyente sa cancer unit. May pagkakataong pinipili ng mga pasyente na magpa-chemo sila sa kagayang schedule ni Edgar. Nakakasaya pala ng puso ‘yung habang umiinom ka ng mainit na kape ay may kakuwentuhan ka. Isama pa rito ang mga jokes ng mapagbirong si Dan Dewey.

Ang pagbibigay ng libreng kape, hot chocolate or cold smoothies tuwing Huwebes ng alas diyes ng umaga ay naging regular nang pang-aliw ng mag-ama sa mga cancer patients. Noong una ay nagrereklamo ang ibang kostumer sa coffe shop dahil sa sobrang dami ng inoorder ni Dan ay nagtatagal ang paghihintay nila sa kanilang order. Ngunit kapag ipinaliwanag ng crew kung para saan ang 10 hanggang 20 cups ng kape, lumalambot ang kanilang puso at nagbibigay pa ng contribution kay Dan.

Taong 2008 nang namatay si Edgar ngunit nanatiling buhay ang kanyang espiritu sa Dan’s Coffee Run project. Kahit wala na ang kanyang ama, pumupunta pa rin si Dan sa cancer unit ng ospital, same day, same time at patuloy pa rin siyang nagbibigay ng aliw sa mga cancer patients sa pamamagitan ng isang tasang kape at isang laksang kuwento at jokes.

“Sometimes it takes only one act of kindness and caring to change a person’s life.” – Jackie Chan

KAPE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with