Uzbekistan, bibigyan ng $3,000 ang sinumang turista na mahahawa ng COVID-19 sa kanilang bansa
MALAKI ang tiwala ng mga taga-Uzbekistan na hindi mahahawa ng COVID-19 ang mga turistang bibisita sa kanilang bansa.
Sa laki ng tiwala ng pamahalaan ng Uzbekistan sa kakayahan nilang mapigilan ang pagkalat ng coronavirus ay nangako ang mga kinauukulan doon na bibigyan nila ng $3,000 (katumbas ng P150,000) ang sinumang turista na magpositibo sa COVID-19 habang nasa kanilang bansa.
Pinirmahan na ni Uzbekistan President Shavkat Mirziyoyev ang batas na naglalaan ng $3,000 sa bawat turistang mahahawa sa COVID-19. Ang nasabing halaga ay batay sa karaniwang gastos sa pagpapagamot para sa coronavirus sa Uzbekistan.
Ayon sa tourism ambassador to the United Kingdom ng Uzbekistan na si Sophie Ibbotson ay malaki ang tiwala ni President Shavkat sa pinatutupad na safety at hygiene measures sa doon kaya handa raw itong magtaya ng salapi upang patunayan ang pagiging ligtas ng kanilang bansa mula sa COVID-19.
- Latest