^

Punto Mo

Ang rasyon na almonds

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISA sa mga tagapagsilbi ang squirrel sa kanilang Haring    Leon. Pinagbubuti niya ang pagsisilbi sa hari dahil pagtanda niya ay pinangakuan siya nito ng araw-araw na rasyon ng tatlong kilong almonds. Araw at gabi ay nagtatrabaho siya sa palasyo ng hari. Nawalan na siya ng oras upang maglibang. Naiinggit siya sa kanyang mga kasamahang squirrel na kahit nagtatrabaho ay may oras pa rin upang maglibang. Ngunit inaaliw na lang niya ang sarili na pagtanda naman niya ay may matatanggap siyang rasyon ng almond araw-araw mula sa hari. Aba, bihirang-bihira sa mga squirrel ang nakakatikim ng almonds.

Lumipas ang maraming taon, matanda na ang squirrel at uugod-ugod na. Bago lumisan sa palasyo ay binigyan siya ng parangal ng hari at paunang rasyon ng almonds – isang tiklis na almonds. Natuwa ang squirrel ngunit sandali lamang. Bakit? Sa paglipas ng mga taon ay isa-isang nabungal ang kanyang ngipin hanggang isa na lang ang natira. Ano ang ipangngunguya niya sa almonds?

Si Becky ay nagtayo ng tindahan ng tela sa isang maliit na bayan sa probinsiya. Noong mga panahong iyon ay uso at mas sosyal ang pagpapatahi ng damit. Baduy na maituturing ang pagbili ng RTW na madalas ay sa palengke lang mabibili. Lumakas ang kanyang negosyo hanggang sa nagkaroon na siya ng branch sa katabing bayan. Sa sobrang kaabalahan sa negosyo ay hindi na siya nakapag-asawa.

Isang malaking biyaya ng mga panahong iyon na makapamasyal sa Hongkong dahil hindi pa uso ang seat sale sa mga airlines. Lagi siyang niyayaya ng kanyang mga kapatid na sumama mag-holiday pero kahit may pera siya ay hindi niya maiwan ang kanyang tindahan. Kung isasara niya ang tindahan para makapagbakasyon ay nanghihinayang siya sa kikitain nito sa panahong nakasara ito. Kahit isang beses ay hindi niya pinagbigyan ang sarili na makapamasyal sa abroad.

Dumating ang panahon na nagmura ang pamasahe sa eroplano kaya ang pamamasyal sa abroad ay abot kaya na ng lahat basta’t may regular na trabaho ang isang tao. Ngayon marami nang oras at pera si Becky para mamasyal sa abroad dahil may pamangkin na siyang namamahala sa kanyang negosyo. Pero ang problema, bawal na sa kanya ang sumakay ng eroplano dahil sa maselang kalagayan ng kanyang puso.

“Take vacations. Go as many places as you can. You can always make money. But you can’t always make memories” - anonymous

ALMONDS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with