Ang ballpen sa bibig
NAPUTULAN ng isang binti si Alfred matapos masagasaan ng jeep noong 1980. Bago mangyari ang aksidente ay masaya siyang namumuhay kasama ang maganda niyang asawa. Wala pa silang anak dahil tatatlong buwan pa lang silang kasal.
Matapos ang isang taon pagkatapos ng aksidente ay iniwan siya ng kanyang misis at sumama sa ibang lalaki.
Sobrang kalungkutan ang naranasan niya. Upang malibang, sumali siya sa organization ng persons with disabilities (PWD). Upang maibsan ang kalungkutan, nakipag-pen pal siya sa mga taong mas malala pa ang naranasang pagkalumpo dulot ng aksidente.
Isang Amerikano ang natipuhan niyang sulatan. Ang taong ito ay natamaan ng cricket ball sa ulo noong bata pa. Ito ang naging dahilan ng mga disabilities niya. Ang pangalan niya at address ay ibinigay ng organization na sinalihan niya.
Pagkaraang sulatan niya ang Amerikano ay agad sinagot nito si Alfred. Ang three-page letter ng Amerikano ay punumpuno ng pag-asa at mga nakakatuwang kuwento.
Sa huling bahagi ng liham ay ito ang sinabi ng ka-pen pal niyang Amerikano, na nagbigay ng pag-asa sa kanya: I thank God that I am able to write my own letters – by holding the pen in my mouth.
- Latest