^

Punto Mo

Bibigyan n’yo ba ng prangkisa o hindi?

BAHALA SI BITAG - Ben Tulfo - Pang-masa

NEUTRAL daw ang pangulo at ipinapaubaya na ang isyu ng renewal ng prangkisa ng ABS-CBN sa Kongreso.

Ito’y matapos manawagan ng Philippine Council of Evange­lical Churches na dapat magkaroon ng “reconciliatory talks” si Pangulong Rodrigo Duterte at mga executives ng ABS-CBN.

Kung tutuusin, nasa Kongreso naman talaga ang kapangyarihan sa usaping renewal ng prangkisa.

Ang maalingawngaw ngayon,  ang gagawing pagboto ng mga mambabatas ayon daw sa kanilang konsensiya.

Paano kaya mangyayari ito kung puro poot galit ang laman ng kanilang mga pahayag?

Oo nga naman, kung babalikan kasi ang mga pangyayari, ngayong Marso 2020 lamang nabayaran ng ABS-CBN ang utang nila kay President Duterte. Ito’y mula sa hindi na-ereng election campaign ad noong 2016. 

Apat na installment, dalawa noong 2016, isa noong 2017 at ang  ang pinakahuli ay P2.66 million.

Pinakiusapan ng Presidente ang ABS-CBN, i-donate na lang ang pera sa mga kabataang may cancer (house of hope for kids with cancer).

 Nitong taon lang din na ito humingi ng kapatawaran ang ABS-CBN, pagkalipas ng apat na taon. 

Sabihin mang may bahid ng pambabastos o kayabangan at defiance ang ginawa ng higanteng network, tinanggap ng Presidente ang hinihinging kapatawaran at sila’y pinatawad.

Subalit ngayon, may ilang mga mambabatas na angkas-sakay-sawsaw at nagmamagaling pa. Tunog na para bang sila ang naagrabyado.

 Kung ang Presidente nga nagpatawad na, aba naman, sila ay may isyu pa rin! Nagmumukang kenkoy at kolokoy tuloy ang ilang mambabatas sa kanilang pinagsasasabi at kinikilos sa mga nakaraang hearing.

 Hindi ko ipinagtatanggol ang ABS-CBN, kahit na ako may isyu laban sa network na ‘to. Ilang beses nilang tinabla ang BITAG sa mga “sinalsal” na balita.

 Pero wala itong kinalaman sa isyu ng kanilang prangkisa. Ang gusto kong puntuhin,  hindi ako nagbubunyi sa kalagayan nila ngayon dahil mas may lubos na apektado kaysa sa mga may-ari nito.

Ang simpleng tanong lang naman, bibigyan n’yo ba ng prangkisa ang ABS-CBN o hindi?

May pa-conscience-conscience pang nalalaman!

PRANGKISA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with