^

Punto Mo

Paghingi ng tawad, maaring gamiting ebidensiya sa mga kasong kriminal

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Inireklamo po ako sa pulis ng pagnanakaw  ng aking amo. Upang matapos na raw po ang gulo ay gusto po ng amo ko na gumawa ako ng kasulatan kung saan hihingi ako ng tawad sa kanya. Maari po bang gamitin laban sa akin ang sulat na gagawin ko kahit na hindi ko naman po inaamin ang ibinibintang niya sa akin? – Nestor

Dear Nestor,

Nakasaad sa ating Revised Rules on Evidence na maaaring gamiting ebidensiya laban sa nasasakdal ang pag-alok ng kompromiso, na maaring ipagpalagay bilang pag-amin niya sa kanyang pagkakasala.

Ayon naman sa Korte Suprema sa kaso ng People v. Lambid (G.R. Nos. 133066-67. October 1, 2003), ang paghingi ng tawad sa isang criminal case ay maihahalintulad sa pag-aalok ng kompromiso kaya maari rin itong gamiting ebidensya laban sa akusado at ipagpalagay na pag-amin niya sa krimeng iniaakusa laban sa kanya.

Base sa mga nabanggit na probisyon ng batas at desisyon ng ating Kataas-taasang Hukuman, maaring gamitin laban sa iyo ang sulat na balak mong gawin kung saan hihingi ka ng tawad sa amo mo. Puwede itong gamiting ebidensiya ng pag-amin mo sa pagnanakaw na iniaakusa sa iyo kung sakaling tuluyan ka ng sampahan ng kaso ng iyong amo. Kung ako sa iyo, magdadalawang-isip ako na gawin ang sulat na iyan lalo na kung hindi mo naman talaga ginawa ang paratang ng pagnanakaw sa iyo.

KRIMINAL

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with