Iniligtas ang amo 2 elepante sa India, pinamanahan ng lupa
ISANG lalaki sa India ang nagpamana ng lupa sa dalawang alagang elepante na nagligtas sa kanya sa kamatayan. May nagtangka raw sa kanyang buhay at iniligtas siya ng mga ito.
Ayon kay Akhtar Imam ng Bihar, India gumawa na siya ng last will kung saan iniiwan niya ang 2.5 ektarya ng kanyang lupain sa kanyang mga alagang elepante na sina Moti at Rani.
Ayaw raw kasi niyang mahihirapan ang dalawa, ayon kay Imam na itinuturing ng kapamilya ang dalawang elepante.
Nangangamba kasi siyang kapag yumao na, magiging ulila ang dalawa at magpapalabuy-laboy sa mga lansangan.
Inalagaan ni Imam sina Moti at Rani simula ng kanilang kapanganakan ngunit naging mas malalim pa ang pagmamahal niya sa dalawa nang iligtas siya ng mga ito mula sa mga armadong kalalakihan na papunta sana sa kanyang tahanan isang gabi noong nakaraang taon.
Mabuti na lamang daw at nag-ingay ang dalawa at hinabol ang mga armadong lalaki kaya naudlot ang pagpatay sa kanya.
Masama naman ang loob ang asawa at mga anak ni Imam sa kanya sapagkat mas maliit ang mga mamanahin nilang lupa kumpara sa dalawang elepante.
- Latest