^

Punto Mo

EDITORYAL - Tulungan ang mga nagugutom na ‘Bayani’

Pang-masa
EDITORYAL - Tulungan ang mga nagugutom na âBayaniâ

HINDI pa tapos ang kalbaryo ng mga “Bagong Bayani” at nagsisimula pa lamang dahil sa ma-tinding epekto ng COVID-19. Unang napabalita ang ang miserableng kalagayan ng mga overseas Pinoy workers sa Abu Dhabi at Dubai sa United Arab Emirates (UAE) na na-stranded dahil sa lockdown. Karamihan sa kanila, pinaaalis na sa mga tinitirahan dahil tapos na ang kontrata. Isang OFW sa Dubai ang pinutulan na ng kuryente ng may-ari ng apartment o villa dahil tapos na ang kontrata sa pagtira. Iyak nang iyak ang OFW dahil sobrang dilim ng bahay at halos nangangapa siya. Ayon sa lalaking OFW, nakatakda na talaga siyang umuwi pero inabutan ng lockdown. Walang flight pauwi ng Pilipinas.

Ang ibang OFWs na inabutan ng lockdown sa Abu Dhabi ay nakikiigib na lamang ng tubig sa mosque. Wala na rin daw tubig sa kanilang tirahan dahil pinutol na rin sapagkat tapos na ang kontrata nila sa apartment. Ang isang babaing OFW ay labis na nag-aalala dahil buntis siya. Kapag hindi pa raw siya nakasakay ay baka hindi na siya payagan dahil sa kalagayan. Ayaw niyang manganak sa Abu Dhabi dahil mahal ang gastos sa panganganak doon at isa pa wala na rin siyang pera.

Sa huling balita, nakauwi na rin ang stranded OFWs sa Dubai at Abu Dhabi dahil tumugon ang Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) at ang POLO.

Ngayon, mga OFWs naman sa Riyadh, Saudi Arabia ang nasa miserableng kalagayan dahil hindi umano sila sinusuwelduhan ng kompanya. Dahil wala na silang malapitan, namumulot na lamang sila ng basura at pagkain sa basurahan. Bukod daw sa walang suweldo, hindi man lang sila binibigyan ng face mask, sanitizer, at iba pang gamit para maprotektahan ang sarili laban sa COVID-19. Humihingi sila ng tulong sa gobyerno na tulungan sila.

Nang kapanayamin naman sa radyo si Labor Sec. Silvestre Bello III, sinabi nito na hindi naman daw pinababayaan ng kompanya ang mga OFW. Pinasuweldo na raw ang mga ito, ayon sa POLO.

Mas mabuti kung personal na makakausap ni Bello ang mga apektadong OFWs para malaman ang  katotohanan. Mahirap kung basta lang makikinig sa sabi ng mga tauhan niya sa Riyadh. Tiyakin ang kalagayan nila dahil nakakaawa naman ang mga OFW. Malaki ang naitutulong ng mga “Bagong Bayani” sa ekonomiya ng bansa. Hindi sila nararapat magkalkal sa basurahan para lang may makain.

BAYANI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with