^

Punto Mo

EDITORYAL - Huwag maging pasaway narito pa ang kalaban

Pang-masa
EDITORYAL - Huwag maging pasaway narito pa ang kalaban

HINDI bumababa at tumataas pa ang kaso ng mga nagkakaroon ng infection. Ibig sabihin, nasa paligid pa ang kalaban at nag-aabang ng mga makakapitan. Kaya hindi pa dapat mag-relaks ang mamamayan. Hindi dapat maging pasaway sapagkat napakadelikado pa sa kasalukuyan.

Mula nang payagan na makapagbukas ang ilang establisimento para may pagkakitaan at gumulong ang ekonomiya, pati na rin ang pagbiyahe ng ilang pampublikong sasakyan, tila nakakalimot na sa pag-iingat ang ilan at nawawala na ang physical distancing. Nagkukumpol-kumpol na naman at ang iba ay walang face mask. At kung may face mask, nakalitaw ang ilong at ang iba naman ay nasa dakong panga na. Mayroong nakasabit na lang sa taynga ang face mask. Meron na ring mga nag-iinuman sa kalsada at may nagkakaraoke pa. May mga nagtsitsismisan na sa kalsada.

Narito pa ang kalaban at naghihintay pa ng mga mabibiktima. Hindi pa dapat balewalain ang sinasabi ng mga awtoridad na mag-ingat para hindi mahawa ng virus. Kailangang panatilihin ang nasimulang paghuhugas ng kamay, umiwas sa karamihan ng tao, mag-face mask at huwag magkumpol-kumpol o magdikit-dikit.

Araw-araw ay may nadadagdag na kaso at mayro­ong namamatay. Ang isang magandang balita ay ma­rami ang gumagaling. Mas maganda kung mararating ang numero na hindi na halos gumagalaw ang mga kaso at patuloy naman ang mga nakakarekober.

Nagdudulot naman ng pangamba ang sinabi ng isang propesor sa University of the Philippines (UP) na maaari    raw umabot sa 40,000 ang kaso ng COVID sa Hunyo 30   kung patuloy na magluluwag ang gobyerno. Hindi raw dapat         ang pagluluwag sa ngayon sapagkat dadami pa ang kaso.

May ilang local government units (LGUs) na humi-ling sa Inter-Agency Task Force (IATF) for the Management of Emerging Infectious Diseases na isailalim pa sa mahigpit na quarantine ang kanilang nasasakupan. Ayon sa report, 20 LGUs ang humiling na baguhin ang kanilang klasipikasyon at ilagay sila mula general community quarantine (GCQ) patungo sa modified enhanced community quarantine (MECQ) para ganap na mapigilan ang pagkalat ng virus.

Nararapat na sumunod ang mamamayan. Huwag balewalain ang ipinag-uutos sapagkat patuloy ang pagkalat ng sakit. Makipagtulungan para ganap na malabanan ang salot na virus.

KALABAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with