^

Punto Mo

Kung wala kang magandang sasabihin

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAGTATANGHALIAN sa cafeteria ng opisina ang magkaibigang Nel at Lea. May pumasok sa cafeteria na isang babae na kakilala pala ni Nel.

“Uy Vicky, kumusta na?”

Ipinakilala ni Nel si Lea kay Vicky na dating nagtatrabaho sa kanilang kompanya.

“O, napadalaw ka.”

Ngayon lang ako nagkaroon ng time na kuhanin ang aking separation pay.

Pagkabanggit ng separation pay ay napaiyak si Vicky. Ibinuhos nito ang sama ng loob na naranasan sa kompanya. Pinintas-pintasan pa nito ang management sa pagkampi sa kanyang supervisor kahit malinaw pa sa sikat ng araw na ito ang mali at siya ang tama. Hindi na raw niya makayang pakisamahan ang kanyang supervisor na saksakan ng sama ng ugali kaya hayun, nag-resign siya.

“Friend ang lakas talaga ng pulitika dito kahit saan department. Dapat magaling ka rin mamplastik para tumagal ka sa trabaho mo.‘Yun magaling kong supervisor na si Sir Aw-aw, Diyos ko, pinaplastik ko lang ‘yan. Mahirap kalabanin ang tuta.”

Nag-apiran pa ang dalawa at sabay humalakhak. Si Lea naman ay nakikinig lang at tuloy ang kain. May isi-share rin sana siya tungkol naman sa mayabang nilang assistant manager na mahilig manigaw at manghiya pero masakit ang singaw niya sa gilagid kaya tinatamad siyang magsalita. Sumasabit ang singaw niya sa kanyang ngipin kapag nagsasalita.

Lumipas ang mga araw, nakalimutan na ni Nel ang insidente sa cafeteria na nakakuwentuhan niya si Vicky. Dumating ang pandemya, COVID-19 at paghina ng mga negosyo at kalakalan. Nagpasyang magbawas ng empleyado ang kompanya ni Nel. Isa-isang ipinatawag ng HR ang mga empleyadong kasama sa tatanggalin ngunit may pangakong kukuhanin ulit ang serbisyo nila kapag bumalik ang lakas ng negosyo. Hindi makapaniwala si Nel na isa siya sa tinanggal pero walang pangako na kukuhanin ulit. Nag-apila siya sa kanyang boss na ang lihim niyang bininyagan ng Aw-aw. Nagulat siya sa isinagot ng boss.

“Nag-aalala kasi akong nahihirapan ka nang makipagplastikan sa isang tuta or Aw-aw.”

May officemate siya na nagkataong friend ni Sir Aw-aw ang nakapuwesto sa katabing dining table noong nagkukuwentuhan sila ni Vicky. Narinig nito ang kanilang pinag-uusapan. Binidyuhan pala ang kanilang  pambu-“bullshitting” sa mga bossing. Laking pasasalamat ni Lea na masakit ang singaw niya sa gums. Pero next time, naging aral na sa kanya ang nangyari. Kung wala ka rin lang sasabihing maganda sa ibang tao, manahimik ka na lang.

SASABIHIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with