^

Punto Mo

‘Fifty pesos’

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

NAKASILIP ang batang babae sa kuwartong kinahihigaan ng kanyang baby sister na maysakit. Pinapanood niyang nag-uusap ang kanyang mga magulang at ang doctor ng kanyang kapatid. Narinig niyang sinabi ng doctor sa kanyang ama’t ina: “Milagro na lang ang makapagpapagaling sa kanya.”

Pagkarinig ng pag-uusap ay dali-daling kinuha ng batang babae ang fifty pesos matagal na niyang hindi ginagasta at matagal nang nakatupi sa kanyang pitaka. Nang paalis na ang doctor ay huma­wak ang bata sa kamay nito. Kaibigan ng pamilya niya ang doctor kaya hindi na siya nahihiya dito.

“Tito Doc, ito lang po ang pera ko, puwede po bang pambili ng ‘milagro’ ito para gumaling na ang kapatid ko.”

Nagkatinginan ang mga magulang at doctor. Akala ng bata ay gamot ang milagrong sinasabi niya sa mga magulang.

“Nakikinig ka sa aming pag-uusap kanina, ano?”

“Opo”

Kinuha ng doctor ang fifty pesos. Bago itabi sa kanyang bulsa ay ito ang kanyang sinabi sa batang babae.

“Gagaling ang baby sister mo sa fifty pesos na ito. Don’t worry.”

Pagkaraan ng ilang araw, dinala ang baby sister sa ospital. Nagsagawa ng maraming tests ang mga doctor at saka sumailalim ito sa maselang operasyon. Nagpasya ang buong pamilya na mag-stay sa hospital chapel upang manalangin na makamtan ang tagumpay ng operasyon. Sa wakas, nang lumabas ang doctor sa operating room ay nakangiti ito. Sinalubong siya ng buong pamilya. Agad nagtanong ang batang babae.

“Magaling na ang kapatid ko Tito Doc?”

“Oo. Gumaling siya dahil sa fifty pesos mo.”

Ang matinding paniwala ng bata na gagaling ang kapatid niya kapag bumili ng fifty pesos na milagro ang nagpagaling sa kanyang kapatid.

“Never underestimate the power of Faith because when nothing seems possible, Faith makes it possible.” – Gift Gugu Mona

 

FIFTY PESOS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with