^

Punto Mo

Ano ang ‘unjust vexation’?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Ipinatawag po ako sa barangay ukol sa naging alitan namin kamakailan ng aking kapitbahay. Hindi po kami nagkasundo sa harap ng barangay at sa huli ay sinabihan ako ng lupon na maari na raw akong sampahan ng aking­ kapitbahay ng kasong unjust vexation. Ano po bang kri­men­ ang tinutukoy niya?--Migs

Dear Migs,

Ang unjust vexation ay base sa Article 287 ng ating Revised Penal Code kung saan nakasaad: “any other coercion of unjust vexation shall be punished by arresto menor or a fine ranging from One thousand pesos (P1,000) to not more than Forty thousand pesos (P40,000), or both.” Ibig sabihin, maaring makulong ng mula isa hanggang tatlumpung araw at/o magmumulta ng mula isang libong piso hanggang apatnapung libong piso ang sinumang mahaha­tulang nagkasala ng krimen ng unjust vexation.

Kung mapapansin mo ay walang depinisyon sa ating Revised Penal Code ang unjust vexation kaya kailangan nating basahin ang naangkop na jurisprudence o ang mga nadesisyunan nang kaso ng Korte Suprema upang malaman natin kung ano mismo ang nasabing krimen.

Makikita ang depinisyon ng unjust vexation sa kaso ng Maderazo et al. v. People (G.R. No. 165065, September 26, 2006). Ayon sa Korte, ang unjust vexation ay kahit anong uri ng pag-uugali na bagamat hindi nagdudulot ng pisikal na pinsala ay sanhi naman ng pagkayamot sa isang inosenteng tao.

Bagama’t malawak ang depinisyon na ito ng unjust vexation, ang pangunahing tanong sa mga kasong kinasasangkutan ng nasabing krimen ay kung ang mga aksyon ba ng akusado ay pinagmulan ng iritasyon, inis, o pagkagambala sa isip ng nagrereklamo.

Unjust vexation siguro ang ikinaso sa iyo dahil hindi saklaw ng depinisyon ng ibang krimen ang nagawa mo, kung mayroon man. Kadalasang unjust vexation kasi ang nagiging reklamo kapag hindi pasok sa ibang krimen ang mga naging gawain ng akusado ngunit nagdulot pa rin ito ng pagkabuwisit sa biktima.

 

UNJUST VEXATION

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with