^

Punto Mo

EDITORYAL - Sige, ikalaboso ang mga corrupt barangay officials

Pang-masa
EDITORYAL - Sige, ikalaboso ang mga corrupt barangay officials

NOONG nakaraang linggo, sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año na 134 barangay officials na ang sinampahan ng kaso sa Prosecutor’s Office ng Department of Justice (DOJ). Pero kamakalawa, sinabi ni Año na umabot na sa 301 ang sinampahan ng kaso at mayroon pang 76 na susunod. Ang mga sinampahan ng kaso ay sangkot sa pamamahagi ng Social Amelioration Program (SAP). Lahat may kaugnayan sa pagnanakaw ng pera na laan sa mga mahihirap na naapektuhan ng COVID-19. Una nang sinabi ni Año na hindi matatakasan ng mga corrupt na barangay officials ang batas. Mabubulok ang mga ito sa bilangguan.

Sabi naman ni DILG Undersecretary and Spokesperson Jonathan E. Malaya, na hindi hihinto ang DILG at PNP sa paghabol sa mga kurakot na barangay at LGU officials at maparusahan ang mga ito. Ayon kay Malaya, nakakagalit ang ginagawa ng mga opisyal na nagagawa pang manloko ng mga kabara-ngay nila sa panahon ng krisis. Hinikayat ni Malaya ang mamamayan na ireport sa DILG ang katiwalian na ginagawa ng barangay official.

Karaniwang ginagawa ng mga corrupt barangay officials na hatiin ang SAP para sa dalawang tao. Ginawang halimbawa ni Malaya si Punong Bara-ngay Ariel Hiquina ng Barangay San Vicente, San Jacinto, Pangasinan at kanyang mga kasabwat na sina Barangay Health Worker Elizabeth Oligan at municipal health worker Nancy Bombarda na hinati ang P5,500 para sa dalawang tao. Nangyari ang corruption noong Abril 20.

Nireklamo rin si Punong Barangay Edison Franco ng Barangay Balite, Villaba, Leyte at kanyang mga kasabwat na barangay treasurer, health worker at Day Care teacher, dahil sa pagbawas ng P1,600.00 sa SAP ng recipients.

Maraming corrupt na barangay officials na ang pera para sa mahihirap ay binubulsa. Kahit nagbanta na si Presidente Duterte, hindi na sila natakot at patuloy sa pangungurakot. Ngayong ipamamahagi na ang ikalawang tranched ng ayuda sa mahihirap, dapat pag-ibayuhin pa ang pagbabantay sa corrupt barangay officials. Kilalanin namang mabuti ang pagkatao ng mga opisyal na mamahagi ng ayuda para hindi ito makurakot.

Ipagpatuloy pa ng DILG ang pagsasampa ng kaso sa mga corrupt barangay officials. Masisiyahan ang taumbayan kung mabubulok sila sa piitan.

 

BARANGAY OFFICIALS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with