^

Punto Mo

Liham na ginawa noon pang Vietnam war, ngayon lang dumating matapos ang 52 taon

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NASORPRESA ang isang babaing taga-Indiana nang makatanggap siya ng liham na sinulat ng kanyang kapatid, 52 taon na ang nakararaan, sa kasagsagan ng giyera sa Vietnam.

Bagama’t noong isang linggo lang ito natanggap ni Janie Tucker ay higit kalahating siglo na ang liham na sinulat  ng kanyang kapatid na si William Lone para sa kanya noong 1968 nang si William ay nasa military pa at nakikipaglaban sa Vietnam.

Tinawagan ni Janie ang kapatid at binasa sa kanya ang natanggap niyang liham upang kumpirmahin kung siya nga ang sumulat.

Kinumpirma nga ni William na sa kanya nga ang liham at natatandaan pa raw niya nang sinulat niya ito. Hindi naman malinaw sa kanya kung bakit inabot ng 52 taon bago ito nakarating kay Janie.

Wala na sa orihinal na sobre ang liham kaya malamang na may ibang nakakuha nito at saka ipinadala kay Janie matapos matunton ang kanyang kasalukuyang address.

Umaasa naman si Janie na matutukoy din nila ang misteryosong nagpadala sa kanya­ ng sulat. Gusto kasi niyang pasa­la­matan ito at para na rin malaman kung bakit inabot ng 52 taon bago niya natanggap ang liham ng kanyang kapatid.

VIETNAM WAR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with