PNP, handa na sa ‘new normal’! – Eleazar
NAKAHANDA na ang Philippine National Police (PNP) na ipatupad ang bagong patakaran ng gobyerno ni Digong laban sa COVID-19 na patuloy na rumaragasa sa bansa. Kapag inalis na ang enhanced community quarantine (ECQ) at maging “new normal,” ang Inter-Agency Task Force COvid Shield ay magdadagdag ng police visibility, lalo na sa mga lugar kung saan mataas ang bilang ng COVID cases para hindi na lumaganap ang nasabing virus, ani Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang PNP Deputy Chief for Operations (DCO).
Sinabi ni Palace spokesman Atty. Harry Roque na ang Metro Manila, Laguna at Cebu City ay pinasailalim sa modified enhanced community quarantine (MECQ) hanggang May 31 kung saan mabubuksan ang ilang industriya subalit 50 porsiyento lang ang workforce nito ang papayagan. Ang iba namang lugar ay mapasailalim sa general community quarantine (GCQ) kung saan magbubukas ang ilang piling negosyo. Siyempre, sa MCEQ at GCQ ilang piling sasakyan lang ang dapat payagang magbiyahe sa dating ruta nila.
Sinabi naman ni President Digong na dahan-dahan o magiging slow ang transition ng mga lugar sa bansa mula ECQ hanggang GCQ at dapat susundin ng mga Pinoy ang lahat ng health protocols ng Department of Health (DOH) “para hindi tayo madapa.” Kapag lumabas ng bahay, dapat may suot na face mask para hindi mahawa ang makakausap nito. “Kung wala kang mask you endanger – ipapasubo mo ‘yung kaharap mo. Hindi ikaw. Kung gusto mong mamatay okay lang pero ‘yung kaharap mo at hindi pa niya panahon tapos mamatay lang sa ka – just because you do not want to comply,” ani Digong sa isang press briefing. Araguuyyy!
Iginiit pa ni Digong na mahirap magkasakit sa ngayon dahil kapag na-confine ka sa ospital, maaring panglima ka na gagamit ng kama kung saan limang pasyente na ang namatay sa COVID kaya maaring pang-anim ka. Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya ‘wag pasaway mga kosa dahil milyones din ang gagastusin sa paglaban sa COVID. Tumpak!
Sinabi ni Eleazar, ang hepe ng Task Force Covid Shield, na medyo luluwagan nila ang pag-implement ng ilang measures para hindi magkaroon ng heavy traffic sa mga lansangan sa Metro Manila at iba pang lugar. Subalit magiging istrikto ang Task Force sa pag-implement ng health protocols tulad ng pagsuot ng face mask at physical distancing, ani Eleazar.
Ayon pa kay Eleazar, ang Highway Patrol Group (HPG) ni Brig. Gen. Eliseo Cruz ay magde-deploy ng motorcycle-riding policemen para isulong pa lalo ang mobile checkpoints at random checking ng private vehicles sa kalye. Araguuyyy! Hak hak hak! Kumpleto-rekado ang preparasyon ng PNP natin at iba pang law enforcement agency sa pag-alis ng ECQ ah.
Sinabi pa ni Eleazar, na ang PNP at militar na i-deploy sa Mayo 16, ay hindi lang maghahabol ng mga lumalabag sa health protocols kundi magbantay din laban sa mga kriminal. Dahil sa bagong patakaran vs COVID, ayaw ni Eleazar na magbakasakali ang mga kriminal na maisahan ang PNP natin dahil gusto nilang mapanatili ang mababang crime rate sa bansa. Abangan!
- Latest