^

Punto Mo

Kayanin pa kaya?

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Tuluyan nang pinalawig ni Pangulong Digong ang Enhanced­ Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region at ilang lalawigan sa Luzon hanggang Mayo 15, 2020.

Bagamat sa ilang lugar ginawa na nila itong general community quaratine na nangangahulugan na bahagyang magkakaroon ng kaluwagan sa ilang aspeto pero dapat pa rin manatili ang social distancing.

Sa ilan pang rekomendasyon, nais ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases na mabuksan ang klase sa mga huling Linggo ng Setyembre.

Pero marami na ang umaaray lalo na ang naapektuhang mga manggagawa na hindi nakakapagtrabaho.

Mukhang marami na ring negosyo ang nangangambang kung hahaba pa ang lockdown tuluyan nang bibigay ang kanilang pondo.

Maging ang gobyerno, aminin man o hindi may pangambang malanos ang kaban dahil sa pagtugon sa pandemic na COVID-19.

Hindi pa rin nakakatiyak kung ano ang maaaring maging kaganapan pagkatapos ng Mayo 15.

Ano’t-anuman, ang giit ng pamahalaan sa kanyang mga mamamayan, makipagtulungan. Gawin kung ano ang puwede nilang maitulong para masawata na ang COVID-19.

Dapat na sumunod kung ano ang tagubilin para hindi na kumalat pa ang naturang sakit para tuluyan nang bumalik sa normal.

Gawin kung ano ang papel ng bawat isa, para hindi na lumaganap ang sakit at tuluyan na maalis ang ECQ at bumalik na sa normal ang buhay ng bawat isa.
Huwag naman sanang balewalain ang mga babala ng pamahalaan.

Huwag na sanang maging pasaway kung din rin lang makakatulong ‘wag nang maging pabigat dahil walang makakapagsabi kung kakayanin pa ito sakaling tumagal.

KAYANIN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with