^

Punto Mo

Swiss, tumakbo ng 50 kilometro sa treadmill sa loob ng halos 3 oras

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BINASAG ng Swiss na si Matthiaz Kyburz ang world record para sa pinakamabilis na pagtakbo ng 50 kilometro sa treadmill nang takbuhin niya ang nasabing distansya sa loob lamang ng dalawang oras at 56 na minuto.

Wala raw balak si Kyburz na gawin ang world record attempt ngayong taon ngunit nang ma-kansela at ma-postpone dahil sa coronavirus pandemic ang mga karerang kanyang planong salihan ay minabuti na niyang gawin ito ngayon upang hindi masayang ang ensayong ginawa niya nitong nakaraang winter.

Hindi lamang ang world record ang nakamit ni Kyburz dahil nakalikom din siya ng $6700 (katumbas ng P340,000) na donasyon upang labanan ang pandemic sa Switzerland.

Ito na ang pangatlong beses ngayong 2020 na nahigitan ang world record para sa pagtakbo ng 50 kilometro sa treadmill. Marahil ay bunsod ito ng lockdown na ipinapatupad sa iba’t ibang bahagi ng mundo kaya napipilitan ang maraming bilang ng runners na tumakbo na lamang sa loob ng kani-kanilang mga tahanan.

 

SWISS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with