^

Punto Mo

Ang babae sa aparador (14)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“MAGTATAGO ka kapag pupunta rito si Kat?’’ tanong ni Jonas kay Ziarah.

“Opo Kuya. ‘Yan lang po ang naiisip kong paraan.’’

“Puwede. Kaya lang saan ka magtatago?’’

“Madali na lang po ‘yun, Kuya. Ang mahalaga e payag ka nang ma­ging katulong mo rito.’’

“Oo payag na ako. Mula nang malaman ko na ulila kang lubos at inapi­ pa nang walanghiya mong ama-amahan, nag­desisyon na akong maging kasambahay ka rito. Ang problema­ nga lang ay ang siyota ko.’’

“Salamat Kuya Jonas. Kahit hindi mo na ako suwelduhan basta may matirahan lang ako at maka­inan, hindi ako tututol.’’

“Aba hindi. Susuwel­duhan kita. Magkano ba ang suweldo ng kasambahay?’’

“Huwag na Kuya. Ma­laking tulong na ako’y nasagip mo sa aking ama-amahang hayok. Utang na loob na malaki ‘yun na tatanawin ko.’’

‘‘Basta susuwelduhan kita. Magre-research ako sa internet kung magkano ang suweldo ng kasambahay.’’

Hindi na umimik si Ziarah pero may namutawing ngiti sa labi sa sinabi ni Jonas.

‘‘Marami akong alam na gawaing bahay Kuya – maglaba, magluto, mamalantsa at maglinis ng bahay.’’

‘‘Kaya nga dapat kitang suwelduhan.’’

Napangiti si Ziarah.

“Sige ‘di solb na ang problema. Magtatago ka kapag narito si Kat.’’

“Oo Kuya.’’

“Sige. ‘Dun ka sa bakan­teng kuwarto sa itaas. Kum­pleto ang gamit dun. ‘Yun na ang kuwarto mo. May mga lumang damit ako roon na puwedeng mong isuot hangga’t hindi ka pa nakakabili. Mamili ka na lang. Mga bago pa ang ilan.’’

“Salamat Kuya. Wala nga akong nadalang damit dahil nagmamadali akong makatakas.’’

KINABUKASAN, nagpa­alam si Jonas kay Ziarah.

“Ikaw na muna ang bahala rito. Baka dalawang araw akong mawawala. Eto ang pera, mamalengke ka ng iluluto mo. Malapit lang dito ang palengke. Tatawid ka lang diyan sa tapat.’’

“Opo Kuya. Ako na ang bahala. Kapag kasama mo si Kat pagdating mo, magta­tago ako.’’

(Itutuloy)

APARADOR

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with