^

Punto Mo

Kung naging mabuti ka sa in-laws mo

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

SA kasamaang palad, nagkaroon ng diperensiya sa reproductive organ si Aleli kaya tinapat silang mag-asawa ng doctor na hindi na ito kailanman magbubuntis. Noong una ay okey lang kay Randy, pero nang sumapit sila ng 10th  wedding anniversary, nababagot na ito sa buhay nilang mag-asawa. Sa tuwing may manganganak na hipag o kapatid, nakakadama siya ng sobrang inggit. Sumisigaw ang kalooban nito: Gusto kong magkaanak!

Hindi bukas ang isipan at kalooban ni Randy na mag-ampon sila. Parang ang hirap naman yatang magpalaki  ng batang hindi mo naman kaanu-ano.  Aba e, mabuti pang palakihin na lang niya ang anak ng mga kapatid niya na hirap sa buhay. Kadugo pa niya ang mga ito.

Palibhasa ay hindi naman siya ang baog, lalong umiigting ang kanyang kagustuhan na magkaanak. Isang araw, namalayan na lang niyang may karelasyon siyang babae na okey lang maging kabit at maanakan niya. Nanganak ang babae. Nalaman ni Aleli. Nakipaghiwalay ito at hinayaan na lang ang asawa na makisama sa babae.

Galit na galit kay Randy ang mga kapatid nito sa kanya. Pati ang mga pamangkin na anak ng mga kapatid niya ay galit sa kanya. Bakit? Minahal nila nang labis si Aleli bilang hipag at tiyahin. Napakagaling kasi nitong makisama at napakabait. Palibhasa ay sabik na magkaroon ng anak, naging malapit si Aleli sa mga anak ng kapatid ni Randy. Kadalasan ay sa kanya inihahabilin ang mga bata kung may lakad ang mga magulang nito. Ang iba ay siya na halos ang nagpalaki sa mga ito.

Dumating ang panahon na nagkaroon ng family reunion ang pamilya ni Randy. Noon ay hiwalay na sila ni Aleli. Sinamantala niya ang pagkakataon at isinama ang kabit at anak nito na noon ay tatlong taon na. Gusto niyang ipakilala sa kanilang angkan ang kanyang bagong pamil­ya. Pero walang pumansin sa kanila, maliban sa kanyang ama at ina na halatang napilitan lang.

Ang katwiran ng mga kapatid ni Randy, bilang paggalang sa kanilang hipag na si Aleli, hindi nila hahayaang maka-penetrate ang kabit ng kanilang kapatid  sa kanilang pamilya nang ganoon lang kabilis. Ano ‘yun, parang isang pagkakamali sa pagsusulat na basta na lang gagamitan ng eraser para mabura. Ganti rin nila iyon sa babae sa pagpatol nito sa kanilang kapatid kahit alam nitong may asawa ito.

 

IN-LAWS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with