^

Punto Mo

Lalaki sa U.S., arestado matapos mahuling pinagmamaneho ang alagang aso

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

TAKANG-TAKA ang mga pulis na umaresto sa isang lalaki sa Washington state sa United States.

Nang abutan kasi nila ang humahagibis na sasakyan­ nito ay hindi ang suspek ang natagpuan nila sa mani­bela kundi ang alaga nitong pit bull.

Ayon sa state trooper na si Heather Axtman, nakatanggap sila ng sumbong ukol sa isang overspeeding na sasakyan na dalawang beses nang nakabangga.

Hinabol ng mga awtoridad ang sasakyan na nagawa nilang abutan nang magawa nilang butasin ang mga gulong nito.

Ngunit laking gulat nila nang sa halip ang suspek ay isang aso ang makita nila sa driver seat nito.

Nasa katabing upuan naman ang suspek na kumakabig ng manibela at yumayapak sa gas pedal ng sasakyan.

Ayon sa suspek, tinuturuan daw niyang magmaneho ang kanyang alaga kaya nasa driver seat ito.

Nasa kustodya na ng mga pulis ang suspek samantalang inihatid naman sa isang animal shelter ang pit bull.

ASO

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with