^

Punto Mo

Minsan kailangan din ang kamay na bakal sa mga pasaway!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Nagpahayag na ang pamunuan ng PNP, hindi na raw ikukulong ang mga nahuhuling pasaway o lumalabag sa curfew hours, kundi kakasuhan na lamang pagkatapos ng krisis sa COVID-19 at sa ipinatutupad na lockdown sa buong Luzon.

Ito ang naging direktiba ni PNP chief Director General Archie Mendoza matapos umano na makatanggap ng ilang ulat na may ilang pulis ang nagmamalabis sa nakalatag na checkpoint.

Ang problema naman na nakikita rito, eh baka dumami pa lalo ang mga pasaway na matitigas ang ulo at hindi sumusunod sa ipinaiiral na mga patakaran. Hindi nga natatakot ang mga ito sa kulong, sa kaso pa sakali sa kinakaharap na baka nga magkalimutan na.

Kung minsan kailangan talagang gumamit ng kamay na bakal, para matuto ang ilan nating  mga kababayan na talagang mattigas ang ulo.

Sinabi na ngang manatili na lamang sa mga bahay kung wala rin namang business o mahalagang gagawin sa labas.

Pero may ilan pa rin na ayaw, sumunod na kahit na may krisis, sige pa rin na mistulang inspektor sa labas at lahat gustong makita kung ano ang nangyayari.

Pwede naman silang pumirme sa loob, ang gusto sa labas pa ang tambay, naku ang dami pa rin ganyan.

Sa ibang bansa, aba’y talagang hinahambalos ang ayaw sumunod, para madala.

Hindi nga ba’t ganyan ang nakikita nating nangyari sa India, sa mga ayaw na sumunod sa lockdown.

Meron pa ngang napaulat na  bansa na nagpakalat ng leon at tigre sa lansangan para lamang pumirme ang kanilang mga residente sa loob ng kanilang bahay,

Kailangan naman kasi ang pakikipagtulungan ng bawat isa,kung gusto nating matapos agad ang krisis na ito at magbalik sa normal ang takbo ng buhay, dapat may pakikiisa ang publiko.

Ginagawa naman ng gobyerno ang kanilang tungkulin, gawin naman natin ang ating bahagi at hindi lalaon eh matatapos at magtatagumpayin din natin ang hamon na ito.

vuukle comment

PASAWAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with