^

Punto Mo

Trak na may kargang baboy, hinaharang ng traffic enforcers sa Pasig!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

ABOT-LANGIT ang papuri na inaani ni Pasig City Mayor Vico Sotto sa pangangalaga sa kanyang constituents sa kasagsagan ng paglaganap ng COVID-19. Subalit mababawasan ang pogi points ni Mayor Vico kapag hindi niya masupil ang ilang pasaway na traffic enforcers niya na pinipigil ang pagdaloy ng pagkain sa wet markets sa Metro Manila. Para sa kaalaman ni Mayor Vico ang mga traffic enforcers niya ang inireklamo ng negosyanteng si Ricardo Chan dahil naaantala ang delivery niya ng baboy sa wet markets sa Metro Manila dahil hinaharang sa Pasig.

Noong Marso 19, pinigil ng traffic enforcers ang van ni Chan na naglalaman ng 23 baboy sa San Miguel sa Shaw Blvd. Pasig City dahil sa violation ng truck ban. Tinikitan ang driver niya na si Domingo Mamaril kahit nagpapaliwanag ito na pagkain ang kanyang karga. Noong Sabado naman at hinuli uli ang kanyang van dahil sa violation uli ng truck ban. Kinausap ni Chan sa cell phone ang traffic enforcer na wala talagang laman pa ang kanyang van dahil papunta pa lang ito sa slaughter­house ni retired Gen. Louie Ticman sa Cainta kung saan siya nagpapakatay ng baboy. Salamat naman at nakuha sa pakiusapan ang traffic enforcer at hindi na tinikitan ang kanyang driver.

Ang hindi alam ng traffic enforcers ng Pasig, may taning na oras na lang sa wet markets kung saan sarado ang mga ito tuwing 8:00 a.m. to 10:00 a.m. at 3:00 p.m. to 5:00 p.m. kaya kapag hindi dumating sa tamang oras ang baboy ni Chan ay paano na lang ito? Araguuyyy! Hak hak hak! Niluwagan nga ni Lt. Gen. Guillermo Eleazar, ang Deputy Chief for Operations ng PNP ang lansangan para sa mga pagkain at workers subalit sa Pasig hindi umubra ang trak ni Chan, no mga kosa?

Ipinaliwanag ni Chan na kumpelto rekado naman ang papeles ng kanyang baboy mula sa National Meat Inspection Bureau at maging ang kanyang van ay armado ng kaukulang papeles. Kung noong wala pang COVID, aba hindi naman hinuhuli itong mga van niya sa Pasig subalit sa ngayon panay harang na nito ng mga traffic enforcers na makakasira sa kasikatan ni Mayor Vico, di ba mga kosa? Araguuyyy! Hak hak hak! Kaya dapat umaksiyon si Mayor Vico sa reklamo ni Chan para lalong madagdagan ang pogi points n’ya lalo’t may balita na tatakbo siyang senador sa darating na 2022 elections. Tumpak!

Sinabi naman ni PNP spokesman Brig. Gen. Bernie Banac na habang tumatagal sumusunod na ang sambayanan sa quarantine operations ng gobyerno ni President Digong. Ang mga lumalabas na lang sa bahay sa ngayon ay ‘yung mga may ID para bumili ng pagkain at karamihan at stay at home na, ani Banac. Ayon kay Banac fake news ang kumakalat na may looting at tumaas ang crime incidents sa Metro Manila. Ang totoo, aniya, bumaba ng 80 percent ang crime rate sa Metro dahil nagkukulong na ang mga Pinoy sa kanilang bahay. Kumilos na rin ang anti-cyber crime division ng PNP at National Bureau of Investigation (NBI) para arestuhin at parusahan ang mga nagpapakalat ng fake news. Abangan!

ENFORCERS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with