^

Punto Mo

Resto sa Minnesota, namimigay ng free toilet paper sa bawat take out order

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG restaurant sa Min­­nesota ang may ka­ka­ibang promo sa mga customer sa gitna ng coronavirus pandemic.

Inanunsyo ng Cambridge Bar and Grill sa Cambridge, Minnesotana na bawat take-out order na hihigit sa $25 (katumbas ng P1,250) ay may kasama ng libreng toilet paper, isang bilihin na out of stock ngayon dahil sa madalas na panic buying na dulot ng kumakalat na coronavirus.

Ipinaliwanag ng restaurant owner na si Sean Okerlund na wala naman daw siyang balak gawing biro ang kasalukuyang krisis.

Inilatag daw niya ang promo na ito upang magbigay ngiti sa mga customer nila at nang kahit kaunti ay maibsan nila ang stress na dulot ng sitwasyong kinakaharap ng lahat.

Mukhang epektibo naman ang promo dahil bawat customer daw ay natatawa sa tuwing malalaman nila na makakatanggap sila ng libreng rolyo ng toilet paper.

TOILET PAPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with