^

Punto Mo

Ang payong ni Mary

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ISANG mainit na tanghali iyon ng 2012 habang paakyat ang mag-asawang nakapayong sa isang pedestrian overpass ng Bangkok. Ang bumungad sa kanila ay “white-skinned man” na nakaupo sa gilid ng hagdan at namamalimos. Halatang namamalimos dahil nakalahad ang isa niyang palad at medyo nanlilimahid ang suot na damit ng lalaki. Napatingin ang babae sa “white-skinned man” na pabulong na nagsalita: “I’m homeless and hungry. Please help.”

Halatang nanghihina ang lalaki kaya nabagbag ang kalooban ng babae. Binuksan ng babae ang kanyang wallet. Ang pinakamaliit lang na denomination ay 100 Baht. Turista lang sila sa Bangkok. First day lang nila sa nasabing bansa kaya ‘di pa nababaryahan ang pera nila. Mas nanaig ang awa ng babae kaya binunot niya ang 100 baht at iniabot sa lalaki. Nakapayong sila noon pero damang-dama pa rin nila ang tama ng sinag ng araw sa kanilang katawan. Paano pa ang lalaking ito na marahil ay matagal nang nakabilad sa araw? Pagkaabot ng pera ay agad din niyang iniabot ang payong sa lalaki.

“Take my umbrella…you need this.”

Maluha-luha ang mata ng lalaki na tinanggap ang payong.

“Thank you very much. God bless you.”

Ibinigay ng babae ang payong dahil may bubong naman pagdating nila sa itaas ng overpass. Pagbaba nila ay kaunting lakad na lang at entrance na mismo ng shopping center kaya hindi na niya kailangan ang payong.

“Ang bait talaga ng misis ko, puwedeng maging kandidata sa pagiging santa”, kantiyaw ng mister habang nakangiti ito.

Kahit sobra ang init sa Bangkok ay hindi mapapantayan ang sayang dulot ng bakasyon nila dito. Itinaon nila ang pagbabakasyon sa kanilang 5th wedding anniversary. Wala pa silang anak at naisip nilang baka makatulong ang bakasyon na iyon para makapagpokus at makabuo sila ng tsikiting na pinapangarap nila.

Sa Pilipinas, lumipas ang ilang linggo matapos ang kanilang bakasyon, ang babae ay nabuntis. Nasa ikalimang buwan na ng kanyang pagbubuntis ng nakatanggap ang babae ng liham at thank you card mula sa New York City. Ipinadala iyon sa address ng kanyang pinagtatrabahuhang kompanya.

Sa liham, nagpakilala ang letter sender na siya ay ang Amerikanong binigyan niya  ng payong at 100 baht. Ikinuwento ng letter sender na ang 100 baht na bigay niya ang naging malaking karagdagan sa mga baryang napalimusan niya noong araw na iyon para siya makaipon ng pantaksi patungo sa US embassy. Sa US embassy siya humingi ng tulong para makabalik sa Amerika. Nasa kalagitnaan ng pagbabasa ang babae ng liham nang may katanungang sumingit sa kanyang isipan. Paano nalaman ng Amerikano ang kanyang address sa opisina?

(Itutuloy)

MARY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with