Kalituhan sa panuntunan,sundin lang, maaayos din yan!
Bagama’t may kaunti pang mga kalituhan sa panuntunan sa ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong Luzon makikita rin naman ang pagtugon ng marami nating kababayan sa iba’t ibang panawagan ng pamahalaan.
Kung may mga desisyon man na sabihin na nating ‘malupit’ eh wala tayong magagawa kundi makiisa dahil nasa ilalim ang bansa sa State of Public Heatlh Emergency.
Katulad na lang ang desisyon na suspendihin ang lahat ng mass transport vehicle.
Unang nang nagpahayag ng pagkadismaya rito siyempre pa ang mga PUVs drivers at operators.
Hindi nga naman biro na hindi sila makabiyahe sa araw-araw. Dito lang sila kumukuha para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.
Hindi nga ba’t ang mga bus, jeepneys o maging ang mga taxi at tricycle drivers ay arawan sa pagbiyahe kung walang biyahe, walang kita.
Isang araw lang uman na matigil sa pasada wala nang kakanin ang kanilang pamilya.
Ganyan din ang ilang manggagawa na natigil sa trabaho dahil sa lockdown.
Ang ganitong sitwasyon naman ang pinatututukan ni Pangulong Digong partikular sa barangay officials. Ito ay ang alamin ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan.
Maaaring may ilang pangangailangan na hindi matugunan, kaya nga unawa ang kailangan
Pwedeng sa una lang ang ganitong kalituhan , pero sa paglipas ng araw maaari itong maisaayos hanggang makasanayan.
Laging tandaan ang hangad ng gobyerno dito ay para rin sa ating kapakanan.
- Latest