^

Punto Mo

Mag-asawa sa New York, sinalubong ang pangalawa nilang ‘leap year baby’

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

BAGAMA’T napakaliit ng tsansa ay sinalubong ng isang mag-asawa sa New York ang pangalawa nilang “leap year baby” nang pumatak muli sa Pebrero 29 ang pagluluwal ng sanggol ng babae.

Sinalubong nina Lindsay at Dane Demchak noong nakaraang Sabado si baby Scout Demchak, na panga­lawa nilang anak at pangalawa rin na ipinanganak ng Pebrero 29.

Ipinanganak ang una nilang anak na si Omri noong Peb. 29, 2016.

Marso 4 pa sana ang nakatakdang due date ni Lindsay ngunit nakaramdam na siya ng senyales ng panganganak matapos ang isang salu-salo ng kanyang pamilya sa isang Brooklyn restaurant noong gabi ng Biyernes.

Iniisip na tuloy ngayon ng mag-asawa kung paano nila ipagdiriwang ang kaarawan ng magkapatid.

Dahil mas nakakatanda ay plano nilang unahin ang birthday ni Omri at ipagdiwang ito ng Pebrero 28, samantalang sa kasunod naman na araw, Marso 1, ang magiging selebrasyon ng birthday ni Scout.

vuukle comment

LEAP YEAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with