^

Punto Mo

Kotse

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

ANG panganay ay adik at madalas masangkot sa mga small time robbery sa mga tindahan sa palengke. Ang bunso ay bago pa lamang nagsisimulang tumikim-tikim ng marijuana, hindi kagaya ng kanyang kuya na bato na ang tinitira.

Ang ina ay ubod ng tsismosa. ‘Yun na lang ang libangan simula nang mapauwi ng kanyang amo mula sa Hong Kong. Mayamang pamilya ang pinag­lingkuran nito kung saan apat silang katulong sa bahay. Palibhasa ay tsismosa at inggitera, siya lagi ang pinagmumulan ng away ng mga katulong. Nalaman ng amo na siya lagi ang pinagmumulan ng kaguluhan kaya’t tinanggal ito sa trabaho at pinauwi sa kanyang pinanggalingan. Nag-aplay ulit siya pero laging minamalas, hindi siya natatanggap.

Ang kapitbahay ng tsismosa ay nagkaroon ng bagong kotse. Inggit na inggit ito. Dati silang may second hand na kotse pero naibenta dahil ginastos niya sa pag-aaplay sa Hong Kong. Kaso wala pang isang taon doon ay napauwi ng amo dahil nga siya lagi ang pinagmumulan ng away ng kapwa niya katulong.

Tuwing sila ay magkukuwentuhang mag-anak, bukambibig ng inang tsismosa ang bagong kotse ng kapitbahay. Halata ng mga anak ang sukdulang pagkainggit ng kanilang ina. Pinipintasan nito ang kulay ng kotse. Parang kulay tae. Tapos na-tsismaks nito na hulugan lang ito. Comment ng nagmamagandang tsismosa: Kaya ako, mas pipiliin ko ang second hand, cash naman! Ayoko ng may utang ‘noh?.

Habang nagkukuwentuhan, may nabuong ideya ang bunsong adik. Isang gabi ay isinagawa niya ang plano. Tinitiyak nitong ikakasiya ng kanyang ina ang magiging resulta ng kanyang ginawa kinabukasan.

Samantala nang gabi ring iyon, ang panganay na adik ay nasa piling ng mga kabarkada. Ilang araw na silang walang suplay ng bato dahil walang datung. Biglang naisip ng panganay na adik na karnapin nila ang new car ng kanilang kapitbahay. Kahit siya ay naiinggit din sa kanilang kapitbahay na dati ay mas mahirap pa sa kanila pero lumago ang negosyong lugawan at barbekyuhan.

“Mga ‘tol, level up na tayo! Goodbye na sa small time na grocery at karinderya sa palengke.”

Nakaparada lang sa kalye ang kotse ng kapitbahay. Ilang sandali lang ay nakasakay na ang buong barkadang adik sa kotse. Ang panganay na adik ang nagmaneho. Hindi pa nakakalayo ang kotse ay sumabog na ito. Napakalakas. Biglang nag-apoy. Hindi na nakalabas ang mga adik sa kotse sa bilis ng pangyayari. Naglabasan ang mga tao sa kalye.

Nasa kuwarto niya ang bunsong adik. Napangisi ito nang marinig ang pagsabog ng kotse. Napabulong iyo ng “Ayos!”

Pagkatapos maapula ang apoy ng mga bumberong tinawagan ng mga tao. Tumambad ang mga sunog na katawan ng magbabarkadang adik. Hindi nasunog ang mukha ng panganay na adik kaya’t nakilala agad ito ng mga tao. Hangos na tumakbo ang inang tsismosa sa nasunog na kotse. Napatakbo rin ang bunsong adik. Shocked ito. Ang kanyang kuya ang naging biktima ng kanyang kabuktutan hindi ang may-ari ng kotse.

Lingid sa kaalaman ng lahat na may ikinabit na CCTV camera ang kanilang kapitbahay simula nang magkaroon ng bagong kotse. Ang nakuhang video nang gabing iyon ang ibinigay ng may-ari sa pulisya para makita kung sino ang nagkabit ng bomba sa kotse at kung paano tinangay ang kotse nila hanggang sa ito ay sumabog.

KOTSE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with