Nalalaman ng mga palaka kung kailan lilindol
ALAM umano ng mga palaka kung kailan lilindol. Kapag daw nakita ang mga palaka na masyadong busy sa kanilang pakikipagtalik asahan na may magaganap na lindol. Umano’y nangyayari sa panahon ng kanilang mating season ang pagdating ng lindol.
Ito ay batay sa pag-aaral ng biologist na si Rachel Grant ng Italy. Ayon kay Grant, pinag-aralan niya ang mating behavior ng mga palaka at natuklasan niya na bago dumating ang isang lindol sa lugar, panahon ng kanilang pakikipagtalik. Ayon kay Grant, makaraan ang pagtatalik biglang nawala ang mga palaka at makaraan ang ilang sandali, lumindol.
Ayon pa kay Grant, possible na malaman ng mga palaka ang pagtama ng lindol sapagkat nasi-sense ng mga ito ang gases at iba pang particles sa environment bago mangyari ang lindol. Maaari rin daw malaman ng mga palaka ang mga pagbabago sa magnetic field, paggalaw sa ilalim ng lupa at shock waves.
- Latest