^

Punto Mo

Ang amo

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

ANG babae ay  nagtatrabaho sa ibang bansa bilang domestic helper. Naka-assign siya na maging taga-alaga ng ina ng kanyang amo. Malakas pa naman at malusog ang matanda na 75-anyos pero nasanay ito na laging may personal assistant, palibhasa ay mayaman. Siya ang taga-masahe, personal cook, tagabitbit ng mga pinamili kapag nagsha-shopping, taga-manicure at taga-make-up. Mabait ang matanda kaya enjoy lang siya sa kanyang trabaho. Bagama’t ang matanda ay kapisan sa bahay ng kanyang anak, may hiwalay na katulong ang pamilya nito.

May annual vacation siya na 25 days. Noong malapit na siyang magbakasyon sa Pilipinas, nagulat siya sa sinabi ng kanyang amo.

- Gusto kong sumama sa iyo sa Philippines.

- Bakit po?

- Gusto kong mamasyal. Hindi pa ako nakakaranas mangibang bansa.

- Sa palagay n’yo papayagan kayo ni Sir?

- Wala siyang magagawa kung gusto kong sumama sa iyo.

- Pero Madam, maliit lang ang bahay namin sa Philippines.

- Mag-hotel tayo para hindi ako makaabala sa pamilya mo.

Napatunayan ng babae na malaki ang tiwala sa kanya ng anak ng kanyang amo dahil pinayagan nito ang ina na sumama sa Pilipinas. Kahit pa nasa hotel, madalas na tumambay ang matandang amo sa bahay ng babae. Siyempre, kaya nagbakasyon ang babae ay para naman makapiling ang pamilya.

Ang matanda ay mahilig sa beef with broccoli kaya ito lagi ang ipinapaluto o inoorder sa restaurant. First time nitong makatikim ng Pork and Beans na de lata. Aba, araw-araw itong nire-request na palaman sa pandesal o ulam sa kanin. Bunga nito, naging ututin ang matanda. Ang beans at broccoli pa naman ay malakas magpa­utot. Isa pa, bisyo ng matanda na ngumuya ng chewing gum, na isa pang malakas magpa-utot. Hilig na niya ito simula pagkabata.

Sa ilang araw na pagtigil ng matanda sa maliit na bahay ng kanyang personal assistant, ito ay nagdulot ng hindi komportableng pakiramdam sa mister nito. Kapag umutot daw ang matanda, bukod sa mabaho, ito ay matagal mabura sa pang-amoy. Parang nakalutang sa hangin nang matagal. At kapag gumamit ito ng toilet, Diyos na mahabagin, sumisingaw pa rin ang di-kagandahang amoy kahit matagal na itong nakalabas sa toilet.

Bago umalis ang mag-amo sa Pilipinas, may iniabot ang amo na malaking halaga ng pera sa mga anak at mister ng kanyang personal assistant. Ito raw ang paraan niya para magpasalamat sa pagiging hospitable ng pamilya sa kanya.

Ngunit ito ay maagap na kinuha ng misis at isinauli sa matanda.

Madam hindi na kailangang bigyan mo sila ng pera. Sapat na sa kanila ang magandang pakikitungo ninyo sa akin.

Sa loob-loob ng babae, kapag nalaman ng anak ng kanyang amo na may ibinigay na pera ang ina nito sa kanyang pamilya sa Pilipinas, baka isiping pinerahan nila ang matanda. Matagal nang nangyari ito pero ang magandang pag-estima sa kanya ng pamilya ng kanyang personal assistant ay madalas nitong maikuwento sa mga kakilala. Mababait daw ang mga Pilipino. Sa kabilang dako, hindi rin makalimutan si Madam sa Pilipinas dahil sa kakaibang lakas ng pasabog nito na hindi naman bomba, pero halos ikadurog ng tungki ng ilong ng makakaamoy.

DOMESTIC HELPER

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with