^

Punto Mo

Kapeng maalat

DIKLAP - Ms. Anne - Pang-masa

NAGKAKILALA sila sa isang party dahil sa isang “common friend”. Pareho silang mahiyain at walang karanasan sa pakikipagrelasyon. Habang lumalalim ang gabi ay nagiging magulo ang paligid kaya lakas loob na niyaya ng lalaki ang bagong kakilala na magkape sila sa katabing coffee shop ng building kung saan ginaganap ang party.

Pareho silang nahihiya kaya naroon ‘yung awkward feeling kung paano sisimulan ang isang conversation. Naihatid na ng waiter ang inorder nilang kape pero wala pa rin silang mapag-usapan na magpapasimula ng isang mahabang usapan. Biglang nag-request ang lalaki sa waiter.

“Brod, pahingi ng asin.”

Kaagad ibinigay ng waiter ang salt shaker. Ibinudbod ng lalaki ang asin sa kanyang kape at saka ininom ito.

Napangiti ang babae saka nagsalita, “Asin ang inihahalo mo sa kape?”

Napangiti ang lalaki, “Oo… weird ano?”

“Medyo. May I know why?”

“Lumaki ako sa probinsiya kung saan malapit ang bahay namin sa tabing dagat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, naging bahagi ng aking buhay ang dagat. Simula nang lumuwas ako para mag-college, bihira na akong makauwi sa amin. Nami-miss ko na ang amoy ng dagat…ang amoy maalat. Kaya kahit sa kape, gusto kong maalat-alat ito.”

Iyon ang naging simula ng isang mahaba-habang kuwentuhan at isang relasyong magiging forever pala. Biyuda na si Misis nang malaman niya ang isang katotohanan. Nag-iwan ng liham si Mister na nagpapaliwanag tungkol sa kapeng hinahaluan niya ng asin.

“Honey, patawarin mo ako sa pagsisinungaling ko sa iyo. Hindi totoong gustung-gusto ko ang kapeng may asin. Nasusuka ako sa tuwing iniinom ko ito. Noong gabing humingi ako ng asin sa waiter, ang talagang sasabihin ko ay “pahingi ng asukal” pero hindi ko na kinorek dahil nakita kong nagliwanag ang iyong mukha nang marinig mo iyon. Pakiramdam ko ay biglang naging interesting ako sa iyo.

Natatakot ako noon na biglang mawala ang interest mo sa akin kung sasabihin ko ang totoo. Ang kawirduhang iyon ang naging simula para mahalin mo ako. Mahal na mahal kita at ayokong mabawasan ang pagtingin mo sa akin kung malalaman mo ang katotohanan. Sorry honey…kapeng matamis talaga ang gusto ko. Tiniis kong uminom ng kapeng maalat sa mahabang panahon para panatilihin natin ang matamis nating pagmamahalan.”

vuukle comment

MAALAT

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with