^

Punto Mo

VK ni Buboy Go sa Malabon, iniiwasan ng PNP!

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

SINUYOD ng Integrated Monitoring and Enforcement Group (IMEG) ng Philippine National Police (PNP) sa pamumuno ni Col. Ronald Lee ang Metro Manila nitong nagdaang mga araw at nakumpiska ang umaabot sa 53 makina ng fruit games at video karera. Iba pa rito ang 56 na vk na nakumpiska ni Quezon City Police District (QCPD) chief Brig. Gen. Ronnie Montejo na sinunog naman ni PNP chief Gen. Archie Gamboa.

Seryoso na kaya itong si Gamboa na puksain ang vk at fruit games sa buong bansa? Ano sa tingin mo kosang Baby Marcelo Sir? Kumusta na ang Task Force Maverick mo? Arok naman natin na itong IMEG ni Col. Lee ay itinatag para puksain ang mga tiwaling pulis na sangkot sa samu’t-saring kaso tulad ng kidnapping, extortion at droga.

Subalit si Col. Lee ang naatasan ni Gamboa na sumalakay sa mga vk dahil hindi kumikilos ang lokal na pulisya dahil nakatimbre ang mga makina sa kanila. Araguuyyy! Sa Muntinlupa City nakumpiska ang 12 fruit games at 13 vk ni alyas Madam Nelly, samantalang sa apat na makina ni Lorna alyas Lotlot ang nadale at naaresto pa ang mga bettor na sina Leonardo Odon at Danilo Braza.

Sa Pasay naman naaresto ang mga cashier ni PJ alias Ilong na sina Juliet dela Cruz, Rusty Delima at Mark Anthony Estacion; collector na sina Renato Mingorio at Edward Cortes at bettor na si Paulo Takasin. Galeng ng IMEG ni Col. Lee no mga kosa? Ayon pa kay Col. Lee, malakihan ang operations ng vk sa Pasay at ang mga makina ay may tatak na Allan. Araguuyyy! Hak hak hak! Magkano...este ano kaya ang dahilan?

Ang tanong lang, bakit tuloy pa rin naman ang vk operations ni Buboy Go sa siyudad ni Malabon Mayor Antolin Oreta kahit madami ng station at PCP commander ang na-relieve dahil sa makina? Baka sumunod si Col. Jessie Tamayao, ang hepe ng Malabon police na ma-relieve kapag pakaang-kaang s’ya sa vk ni Buboy Go? Puede di ba mga kosa? Kung sina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Taguig City Lino Cayetano ay nanguna sa kampanya laban sa mga ilegal na makina itong si Oreta naman ay kinunsnti si Buboy Go? May pinipili ba itong kampanya ni Gamboa laban sa video karera? Araguuyyy! Hak hak hak! Maraming katanungan na si Baby Marcelo lang ang may kasagutan!

Kung sabagay nasa tamang landas itong si Gamboa nang iutos n’ya na puksain ang vk operations, hindi lang sa Metro Manila, kundi maging sa ibang bahagi pa ng bansa. Kapag walang video karera kasi sa kalsada, t’yak malaki ang tulong nito sa kampanya ni President Digong laban sa droga. Arok naman natin mga kosa na ang mga adik lang ang parukyano nitong video karera kaya’t kapag nawala sila sa lansangan, aba halos kalahati na ng problema sa droga ay maresolba na. Kaya lang bakit untouchable itong vk ni Buboy Go? Araguuyyy! Ang kulet ko no mga kosa? Hala kilos na Col. Lee Sir! Abangan!

RONALD LEE

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with