Lapis at Pambura
Lapis: Sorry
Pambura: Para saan? Wala ka namang ginagawang masama sa akin.
Lapis: Kasi sa tuwing nagkakamali ako, inginungudngod kita nang paulit-ulit sa papel para mabura ang ginawa kong pagkakamali. Sa tuwing ginagamit kita, nababawasan ang iyong size. Paliit ka nang paliit sa pagdaan ng mga araw. Darating ang araw na mauubos ka dahil sa akin.
Pambura: Oo, totoo ang mga sinabi mo, pero wala sa akin iyon. Hindi ako nagdaramdam. Nilikha ako para maging katulong mo sa pagbura ng mali mong nagawa. Masaya ako sa trabaho ko kahit pa sabihing isang araw ay mawawala ako. Kaya tigilan mo na ang pag-aalala. Ayaw kong malungkot ka.
Ang relasyon ng magulang at anak ay parang lapis at pambura. Ang mga magulang ang pambura, habang ang mga anak ay kahalintulad sa lapis. Naroon lagi ang magulang para itama ang mga nagawang pagkakamali ng mga anak. Habang ginagawa ng mga magulang ang kanilang responsibilidad, makakaranas sila ng hirap at pasakit hanggang sa igupo sila ng katandaan tungo sa kamatayan.
- Latest