Si DICT Usec Eliseo Rio Jr., bow
MINAMADALI ng Gabriela Women’s Party ang Mababang Kapulungan para siyasatin ang diumano’y maling paggamit ng Department of Information and Communication Technology’s (DICT) ng confidential funds kasunod ng rebelasyon nI DICT Usec. Eliseo Rio Jr.
Naku ha! Ano ba ito? Totoo kaya?
Sa isang sulat na may petsang Enero 30, ibinulgar ni Rio na mayroong kahina-hinalang disbursement ng P300 milyon sa confidential funds ng DICT, na sinabi niya na nakaka-alarma dahil ito ay hindi ang mandate ng DICT na magsagawa ng surveillance o intelligence activities.
Naku, patay kang bata ka.
Ang ginawang pagkanta ay may mga posibilidad na higit pang mga kaso ng maling paggamit ng mga pampublikong pondo at multi-bilyong technical malversation na posibleng umangkop sa mga counter-insurgency operations thrust ng rehimeng Duterte sa ilalim ng whole-of-nation approach.
Hinihimok namin ang iba pang mga opisyal ng gobierno na magsalita sa ganitong uri ng anomalya, tulad ng mga pampublikong pondo ay inimbudo sa counter-insurgency operations na binaluktot ang mandates at mga function ng institusyon.
Para sa 2020, ang General Appropriations Act ay wala explicit line item para sa NTF-ELCAC at ipatupad ang mga programa at mga gawain upang sumunod sa whole-of-nation approach sa ilalim ng EO 70.
• • • • • •
Kawawa naman kung totoo
May kuwento tungkol sa mga Chinese nationals na pinasakay ng isang airline company papuntang Philippines my Philippines.
Bakit ?
Naggagalaiti sa galit ang mga ito dahil pagdating dito ay excluded umano sila ?
Sabi nga, hindi na sila pinapasok.
Ika nga, turn-around passengers ang nangyari.
Bakit ? Ang sinabi sa kanila ay may temporary travel ban na ipinatutupad ang government of the Republic of the Philippines my Philippines sa mga passengers from China, Hong Kong and Macau.
Nauunawaan naman daw nila ang nangyari ang masama ay bakit pa sila pinayagan sumakay ng eroplano sa kanilang port of origin ?
Sana pinag-rebooked na lamang sila o pina-refund ang kanilang mga tickets. Ano nangyari ? Nagsayang sila ng pamasahe. Hehehe ! Ano ba ito ?
- Latest