^

Punto Mo

SAF 44: ‘Di malilimot na kabayanihan

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Noong nakaraang Sabado (Enero 25), muling ginunita ang kabayanihan ng 44  na miyembro ng PNP- Special Action Force (SAF) na nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga terorista sa Mamasapano, Maguindanao, limang taon na ang nakalilipas.

Hindi malilimot at patuloy na kikilalanin ang kagitingan ng mga SAF commandos na tumatak sa kasaysayan sa taguring SAF 44.

Sa mensahe nga ni PNP Chief Police Gen. Archie Gamboa, sa tuwina’y gagawin ng kapulisan ang kanilang makakaya, kabayanihan upang bigyang proteksyon ang publiko, gaya nang ipinakita ng SAF 44.

Hinikayat din naman ni PNP Deputy Chief for Operations  Police Lt. Gen. Guillermo Eleazar ang mga opisyal at miyembro ng PNP partikular ang mga SAF na ikuwento sa kanilang mga anak  at iba pang miyembro ng pamilya ang kagitingan ng SAF 44.

Bagama’t walang kaduda-duda na nakatatak na ito sa kasaysayan ng bansa, pero mukhang para sa pamilya ng mga nasawi, malayo pa ang hinahangad nilang hustisya.

Mistulang palabo nang palabo o sabihin nang walang napapanagot sa naging kapalpakan ng nasabing operasyon kung saan nalagay sa kapahamakan ang mga nasawing SAF.

Ang ilan nga sa mga kinasuhan eh napawalang sala.

Maraming tanong ang hanggang sa ngayon ay hindi nabibigyan ng kasagutan.

Ito pa naman ang pinakakahangad ng pamilya at kaanak ng mga nasawi.

Sa loob ng limang taon matapos ang malagim na insidente ng masaker sa Mamasapano, malinaw na ba ang mga naging kamalian sa naganap na operasyon?

Huwag lang sana na hindi makalimutan ang kabayanihan ng SAF 44, sana rin ay makamit nila ang hustisya at mapanagot sa mga  naging kamalian.

Magsilbi rin sanang leksyon ang mga naganap na kamalian at wag na sanang maulit sa hinaharap.

 

SAF 44

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with