Ang kaliwang paa
Christy Brown (lalaki, June 5, 1932 – September 7, 1981)
ISANG Irish painter, author at poet. Isinilang na may cerebral palsy kaya hindi nakakapagsalita at nakakakilos nang normal. Sa kabila noon ay sinabi ng kanyang mga doctor na siya ay may kakaibang talino. Minsan ay pinakialaman niya ang isang pakalat-kalat na chalk na naiwan ng kanyang mga kapatid. Kinuha niya ang chalk sa pamamagitan ng kanyang kaliwang paa. Nakatuwaang isulat ang chalk sa blackboard habang nakasingit sa daliri.
Tinuruan siya ng kanyang ina kung paano magsulat gamit ang kaliwang paa. Pagsapit ng limang taon ay iyon na ang ginamit niyang paraan ng kanyang pakikipagkomunikasyon.
Isinulat niya ang kanyang buhay na may titulong My Left Foot gamit ang kaliwang paa. Matapos isalibro ay isinalin ang talambuhay sa pelikula na may kagaya ring titulo. Nanalo ang pelikula sa Academy Award.
Naging misis niya ang nurse na nag-alaga sa kanya. Sa kanyang talambuhay, nabanggit niya na tomboy ang kanyang misis, dating alcoholic at prostitute na nagbagong buhay. Namatay si Christy matapos mabilaukan ng lamb chops at patatas. Pero ayon sa autopsy report, may mga sugat at pasa ang kanyang katawan at pinaghinalaang pinahirapan bago namatay.
- Latest