^

Punto Mo

Gen. Almazan, para PNP chief?

SUPALPAL - Non Alquitran - Pang-masa

MAY karapatan si Brig. Gen. Johnson Almazan, ang director ng Eastern Police District (EPD) na ‘di makialam sa sugal-lupa sa hurisdiskyon niya. Kasi nga, tumatalima lang si Almazan sa “no take” policy ni Philippine National Police (PNP) OIC Lt. Gen. Archie Gamboa. May punto si Almazan, ‘di ba mga kosa? Bihira kasi sa mga pulis ang ayaw tumanggap sa illegal gambling at itong aksiyon ni Almazan ay dapat pamarisan pa ng ibang station, district, provincial at regional directors natin.

Dapat mapremyuhan si Almazan dahil honest siya, ang isang katangian na hinahanap ni President Digong sa kanyang pangatlong PNP chief. Siyempre, masasabi kong qualified si Almazan dahil senior officer na siya ng PNP subalit parang ‘di ko naman naririnig ang ugong na kandidato s’ya. Araguuyyy! Hak hak hak! Kung ayaw ni Almazan ng pitsa sa sugal-lupa, saan siya kumukuha ng panggastos sa mga operation ng mga operating units niya? Baka ginagastos naman ni Almazan ang tinatawag na Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) niya na galing sa Camp Crame? Aba himala!

Sa totoo lang mga kosa, ang inayawan ni Almazan ay halos P200,000 weekly na galing sa sugal-lupa. Subalit kapag inawas ang gastos, tulad ng allowance sa command group, D-group at pagkain ng mga opisina sa EPD at ang pakikisama pa niya, aba ang natitira na lang kay Almazan, ayon sa mga kosa ko, ay halos P20,000 na lang. Eh kung tumatanggap naman si Almazan ng P150,000 monthly sa Small Town Lottery (STL) ni Tony Santos, aba halos lamang pa siya ng P70,000 monthly, ‘di ba mga kosa? So bakit kailangan pang gisahin ni Almazan ang pangalan niya sa sugal-lupa kung kay Tony Santos lang eh busog na ang bulsa niya at legal pa ito? Hak hak hak! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Ang mga gambling lords na nag-ooperate ng lotteng, ending at iba pang sugal sa EPD area ay sina Inong, Kapre, at Egay Bokbok sa Marikina; Laarni, Cris, Rose, at Jigs sa Pasig City; Kiko Payat, Jojo Bulag, at Duran pulis sa San Juan at Ben Tanda, Kap Dodo at Boy Edmon sa Mandaluyong City. Dahil wala silang timbre kay Almazan, lumalaban sila ng hulihan.

Ang ibig kong sabihin mga kosa ay nagpipiyansa na lang ang mga gambling lords kapag nahulihan sila ng operating units ng EPD. Araguuyyy! Siyempre kung may kontak ang gambling lords sa mga bata ni Almazan, puwede namang “hingi-huli” ang sistema. Get’s n’yo mga kosa? Hak hak hak! Alam n’yo na mga kosa kung bakit malungkot ang mga pulis sa EPD sa ngayon?

Subalit habang malungkot ang EPD sa ngayon, masaya naman ang ibang operating unit ng PNP dahil nakikinabang sila sa sugal-lupa sa eastern Metro. Sa totoo lang kasi, hindi naman bawal ang sugal, at ang bawal lang ayon kay OIC Gamboa ay ang pagtanggap ng timbre sa gambling lords. May punto rin si Almazan, di ba mga kosa? Mabuhay si Gen. Almazan! Abangan!

JOHNSON ALMAZAN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with