Ballpen
ISANG may-ari ng malaking tindahan ng school supplies ang nakumbinse ng ahente ng ballpen na umorder sa kanya ng isanlibong piraso. Inilatag kasi nang buong linaw ang magagandang specifications ng ballpen. Ngunit nang isinusulat na ng ahente sa order form ang ballpen na inorder, biglang sumigaw ang may-ari ng tindahan.
“Stop!” sabi nito sa ahente
“Bakit ho?” tanong ng ahente
“Basta, nagbago ang isip ko, sorry…”
Umalis ang ahente na iiling-iling. Takang-taka siya sa biglaang pagbabago ng isip ng may-ari ng tindahan.
Samantala balikan natin ang may-ari ng tindahan. Tinanong siya ng kanyang assistant.
“Boss bakit hindi mo itinuloy ang pagbili ng ballpen sa ahente? Wala na tayong stock ng ballpen.”
“Hindi mo ba nakita? Ahente siya ng ballpen pero ang ginagamit niyang pansulat sa order form ay lapis? Halos isang oras niya akong kinumbinsi kung gaano kaganda ang kanyang produkto pero siya mismo ay hindi gumagamit ng ibinebenta niyang produkto. Wala akong tiwala sa ganoong tao. Ang dapat – practice what you preach.
- Latest